SHOPEE and LAZADA DISCOUNT VOUCHER

 

I-redeem ang ₱20 Shopee/Lazada Discount Voucher for 1 TM Reward Point sa New GlobeOne app!

 

Paano i-redeem ang Shopee and Lazada TM Rewards?

 

  • Automatic na makakatangap ng 1 TM Rewards point ang TM customers na nagpa top-up o bumili direkta ng load na worth ₱50.,
  • Ang mga TM customers na may at least 1 TM Rewards point ay maaaring mag-redeem ng ₱20 Shopee Discount voucher sa November 26 to 30, 2021 at ₱20 Lazada Discount voucher ng November 27 to December 1, 2021.
  • Kapag nasa New GlobeOne app, I-click ang “Rewards”mula sa homepage.
  • Hanapin mula sa listahan ng Rewards ang “₱20 Shopee/Lazada Discount Voucher.
  • Piliin at i-redeem ang “₱20 Shopee/Lazada Discount Voucher”.
  • Antayin ang confirmation message galing 4438 para matanggap ang discount voucher code. Pag natanggap na ito, ang ₱20 Shopee voucher ay pwedeng gamitin sa loob ng 65 na araw habang ang ₱20 Lazada voucher ay pwedeng gamitin hanggang December 14, 2021.
  • Kapag natanggap na ang discount voucher, ilagay ang voucher code upon checkout sa Shopee/Lazada app.

FUNPASKO ONLINE TIANGGE

 

Sa November 26, 6PM, panoorin ang TM FunPasko Online Tiangge live sa Shopee

kasama sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

 

At sa November 27, 6PM, kasama niyo naman si Alden Richards

para TM FunPasko Online Tiangge live sa Lazada.

 

Doble-dobleng surpresa ang nag-aantay sa inyo!

 

Dumiskarte at rumaket sa TM FunPasko Online Tiangge, at magkaroon ng chance manalo ng over ₱50,000 and more!

Sali na, Ka-TM!

 

SINO ANG PWEDE SUMALI

 

Top 10 TM Online Sellers lang ang pipiliin para makasali sa FunPasko Online Tiangge Live Selling. Open ito sa lahat ng gender. Kailangan lang na:

  • 18 years old and above
  • TM subscriber
  • May online negosyo/raket account store sa Shopee, Lazada, Facebook, o Instagram
  • May online negosyo/raket na best for Christmas Gifting
  • May DTI permit number ng online store/negosyo kung available lang
  • Residents lang ng Metro Manila at kalapit na mga probinsya gaya ng Bulacan, Cavite at Rizal alinsunod sa travel logistics at restrictions

 

PAANO SUMALI

 

STEP 1: Mag-register online from October 25, 2021 to November 12, 2021.

STEP 2: Kumpletuhin ang registration form at i-submit ang audition video entry habang nagpo-promote at nagbebenta ng online negosyo/raket store mo sa Shopee, Lazada, Facebook o Instagram.

STEP 3: Ang video entry ay dapat nasa 30 seconds hanggang 60 seconds lang ang haba. Hindi dapat ito naglalaman ng anumang foul o sexual languages or innuendos.

STEP 4: I-upload at i-post ang video entry sa Twitter o Tiktok account (in public setting) na may hashtags na ito: #TMDiskartengFunPasko #TMOnlineTiangge

 

PAGPILI NG TOP 10 ONLINE SELLERS

 

  • Susuriin ng TM at Globe Studios ang lahat ng entries at kokontakin ang mga nakasama sa shortlisted list para sa online interviews and profiling sa November 13-17, 2021.
  • Ang pagpili ng Top 10 Online Sellers ay oobserbahan ng DTI representative sa November 19, 2021.
  • Ang mapipiling Top 10 Online Sellers ay i-aannounce sa November 23, 2021 base sa criteria na ito:
    • Innovation - 40%
    • Creativity - 30%
    • Product Relevance - 15%
    • TM Engagement - 15%
    Kung magkakaroon ng tie sa scoring, pipili ang TM base sa kung gaano ka-relevant ang mga itinitindang produkto ng online sellers sa kanilang target audience.
  • Ang mapipiling Top 10 Online Sellers ay tatawagan ng Globe Studios kung ano ang dapat ihanda at i-expect sa online live streaming event tungkol sa health protocol para sa COVID testing at live shoot sa November 26-27, 2021.
  • Ang Top 10 Online Sellers ay mananalo ng ₱50,000 GCash each.

 

CONTROL MEASURES

 

  • Ang prizes ay pwede lang i-claim once.
  • Lahat ng employees ng Globe Telecom, Inc., Innove Communications, Inc., at agencies, pati na ang relatives up to the second degree of affinity or consanguinity ay disqualified sa pagsali sa promo.

 

FAQS

 

  • Ano ang TM FunPasko Online Tiangge?
    Ito ay online event para ibalik at dalhin ang paborito at namimiss nating Christmas Bazaars/tiangge tradition online na magbibigay raket para sa sellers at diskarte para sa buyers/shoppers.

    Raket para sa sellers: Ang TM online sellers ay magkakaroon ng chance manalo ng ₱50,000 GCash kung sila ay mapipili na i-promote at ibenta ang kanilang online raket/negosyo sa online tiangge live event.
    Diskarte para sa buyers: Mas makakatipid at mas pina-easy na ang shopping ngayong FunPasko dahil sa gift ideas at tips mula sa TM online sellers, at discounted shopping vouchers at giveaways mula sa Lazada at Shopee!

  • Hanggang kailan lang pwede mag-register for audition as online seller sa TM Online Tiangge?
    Mag-register sa TM FunPasko Online Tiangge registration form from October 25, 2021 to November 12, 2021 until 12 MN.
  • Ilan ang mapipiling online sellers para sa live event at mananalo ng ₱50,000 GCash?
    Sampu lang ang mapipiling mananalo para sa live selling event at mananalo ng ₱50,000 GCash.
  • Kailangan bang may online store sa Shopee, Lazada, Facebook, o Instagram para makasali?
    Oo, kailangan may existing online store account sa Shopee, Lazada, Facebook, o Instagram. Kung wala pa, gumawa na ng online store account sa nasabing apps.
  • Required ba talaga ang DTI permit?
    Hindi. Kung may available lang na DTI permit, ilagay ito sa registration form.
  • Anong klaseng produkto o online raket/negosyo ang qualified?
    Kahit anong produkto or services na best for Christmas Gifting. Pwedeng pagkain, damit, make-up at marami pang iba.
  • Kailan ang TM FunPasko Online Tiangge Live Selling?
    Ito ay mapapanood sa Shopee App on November 26, 2021 at Lazada App on November 27, 2021.
  • Paano ko malalaman na ako ang winner ng TM Rewards points noong Online Selling Live in Shopee/Lazada?
    Ia-announce ang mga nanalo ng TM Rewards points during the live selling event. Tatawagan ka ng aming accredited partner para sa iyong contact details para maipadala namin ang iyong TM Rewards points.
  • Kailan ko makukuha ang TM Rewards points na napanalunan ko?
    Makukuha mo ito mga isang linggo pagkatapos mo maibigay ang iyong contact details. Hintayin lamang ang text message from 4438 tungkol sa ipinadala naming TM Rewards points.
  • Saan ko matatanggap ang TM Rewards points?
    Siguraduhin na naka-download at naka- register ka sa New GlobeOne app. Pwede ito i-download via Google Play or App Store.
  • Hanggang kailan ko pwede magamit ang TM Rewards points?
    Ang expiry ng napalunan mong TM Rewards points na galing sa event na ito ay March 31, 2022.