GCash Discount Vouchers - TM Tambayan



FunPASKO Load Voucher

 

20% Balik-Load Voucher for first-time GCash users only!



Kumuha ng 20% discount sa special TM promos for 30 days, available only on GCash!

 

STEP 1: Para sa TM customers na first-time GCash users, mag-register sa GCash at go.gcash.com/2UadLig on November 11 hanggang November 30, 2020.

STEP 2: Gamit ang GCash app, i-click ang Buy Load at pumili ng TM promo na nasa Only on GCash tulad ng EZ50 Doble Freebie, All-Net SURF 30, atbp. This is only available for GCash promos Php30 & up.

STEP 3: Abangan ang text message na nagsasabing handa na ang iyong 20% voucher. Darating ang notification sa susunod na araw matapos ang pagbili mo ng Only on GCash promo.

STEP 4: Gamitin ang voucher sa susunod mong TM load or promo sa GCash. Ang bawat voucher ay valid sa loob ng 14 days.

STEP 5: Enjoy the 20% discount for 30 days! Maximum voucher value is Php100 per customer.

  • Ano ang 20% Discount Voucher ng TM x GCash?
    Ang 20% Discount Voucher ng TM x GCash ay ang limited time offer ng TM ngayong November 11-30, 2020. Kung hindi ka pa nakakapag-register sa GCash at ito ang iyong unang beses gumamit ng GCash, maaari kang makatanggap ng 20% discount voucher para sa lahat ng eligible GCash-exclusive offers na iyong bibilhin sa loob ng tatlumpong (30) araw. Ang bawat voucher ay matatanggap sa susunod na araw, at ito ay valid nang labing-apat (14) na araw. Ang maximum total discount na maaaring kunin ng bawat TM-GCash customer ay Php100. Kung higit sa isang GCash-exclusive promo ang iyong bilhin sa loob ng isang araw, ang voucher na makukuha mo sa susunod na araw ay maghahalagang 20% ng buong halaga ng lahat ng eligible promo na iyong binili
  • Paano makaka-register sa promo GCash at sa promo na ito?
    Pwede kang mag-register sa GCash sa go.gcash.com/2UadLig. Tapos bumili ka ng isang GCash exclusive promo. Ang mga eligible promos ay mahahanap sa loob ng GCash > Buy Load > Only on GCash.Lahat ng promo na Php30 pataas ang halaga ay pwedeng pagkunan ng 20% discount voucher.
  • Sinu-sino ang pwedeng kumuha ng 20% Discount Voucher ng TM x GCash?
    Ito ay pwede para sa TM customers na first-time GCash users o hindi pa nakakapag-register sa GCash kailanman, basta sila ay mag-register sa GCash nang unang beses sa loob ng November 11 hanggang November 30, 2020.
  • Paano kumuha ng GCash?
    I-download ang GCash mula sa Google Play.  Pwede mo ring gamitin ang link na ito:  go.gcash.com/2UadLig.  Data charges may apply.
  • Paano ko malalaman kung nakuha ko na ang 20% discount voucher?
    Pagkatapos mong mag-register sa GCash at bumili ng isa sa mga eligible GCash-exclusive offers, makatatanggap ka ng text na nagsasabing handa na ang iyong 20% discount voucher. Ang text ay matatanggap mo sa susunod na araw matapos mong bilhin ang isa sa mga eligible GCash-exclusive offers.
  • Maaari bang mag-register sa ibang TM promo kasabay ng GCash 20% Discount?
    Maaari ka pa ring mag-register sa ibang TM promos na hindi kasama sa GCash-exclusives.  Hindi ka nga lang makakakuha ng 20% discount voucher mula sa mga promo na iyon.
  • Hangang kailan maaaring gamitin ang promo na ito?
    Ang mga Ka-TM na magre-register sa GCash nang unang beses sa loob ng November 11 hanngang 30, 2020 ay maaaring kumuha ng 20% discount.  Ang discount ay maaaring makuha sa loob ng unang tatlumpong (30) araw mula sa unang pag-register sa GCash.  Ang bawat voucher ay valid sa loob ng labing-apat (14) na araw. Kahit lumampas na ang November 30, maaari pa ring kumuha ng discount at gumamit ng voucher basta ang unang pag-register sa GCash ay naganap sa loob ng November 11 hanggang 30, 2020. 
  • Anu-anong GCash-exclusive promos ang maaaring pagkunan ng 20% discount voucher?
    Lahat ng GCash-exclusive offer na naghahalagang Php30 pataas ay kasama.  Makikita ang mga offer na ito sa loob ng GCash app > Buy Load > Only on GCash.  Ito ay ang mga sumusunod na offer:
    • All-Net SURF 30:  Php30, 3 days, unli all-net calls & SMS, 300MB open access, 700MB FunALIW apps (Facebook, Mobile Legends, YouTube, TikTok, & WeSing)
    • All-In 40:  Php40, 4 days, unli intra calls, unli all-net texts, 400MB open access, 200MB Facebook
    • EasySURF 50 Doble Freebie:  Php50, 3 days, 1GB open access, 6GB app freebies (2GB/day), unlimited texts to all networks
    • EasySURF 90:  Php90, 7 days, 2GB open access, 7GB app freebies (1GB/day), unlimited texts to all networks*
    •  EasySURF 99:  Php99, 15 days, 1GB open access, 2.3GB app freebies
  • Paano ko makikita ang mga voucher na nagamit ko na o maaari ko pang gamitin?
    Maaari mong buksan ang Voucher Pocket sa loob ng GCash app.  Buksan ang GCash app, tapos i-click ‘yung upper left-hand corner icon na may tatlong linya.  Piliin ang “Voucher Pocket” at ang Active vouchers para sa mga voucher na maaari mo pang gamitin; Used vouchers para sa mga voucher na nagamit mo na; at Expired vouchers para sa mga voucher na lumipas na ang 14-day validity.
  • Ilang beses akong maaaring kumuha ng 20% Discount Voucher?
    Maaari kang kumuha ng discount na ang buong halaga o maximum total value ay Php100 sa loob ng tatlumpong (30) araw mula sa una mong GCash registration.
  • Paano kung mas malaki ang halaga ng aking voucher kaysa sa promo na gusto kong bilhin?  Masusuklian ba ako or may matitira pa ba sa voucher ko?
    Kung ang halaga ng iyong voucher ay mas malaki kaysa sa halaga ng promo na gusto mong bilhin, magagamit nang buo ang voucher, at wala itong sukli o halagang matitira.
  • Kung marami akong GCash-exclusive promo na bilhin sa loob ng isang araw, ano ang magiging halaga ng 20% voucher ko?
    Kung higit sa isang GCash-exclusive promo ang iyong bilhin sa loob ng isang araw, ang voucher na makukuha mo sa susunod na araw ay maghahalagang 20% ng buong halaga ng lahat ng eligible promo na iyong binili.
    Halimbawa:
    • Day 1:  Bumili ka ng apat na GCash-exclusive promo — FunALIW 10, All-Net SURF 30, All-In SURF 40, at EasySURF 90.
    • Day 2:  Makakakuha ka ng voucher na may halagang Php32 (20% discount ng pinagsamang 30 + 40 + 90).  Hindi kasama ang FunALIW 10 sa eligible GCash-exclusive promos na may discount, dahil ang halaga nito ay mas mababa sa Php30.
    • Day 2 + 14 Days:  Maaari mong gamitin ang Php32 para bumili ng kahit anong TM offer o load gamit ang GCash, kahit hindi kasama ang offer sa eligible GCash-exclusives.
  • Sa aling mga promo ko pwedeng gamitin ang GCash voucher ko?
    Pwede mong gamitin ang iyong GCash voucher sa lahat ng TM promos, basta GCash app ang iyong gamit. Hindi kailangang GCash-exclusive ang promo na paggagamitan ng voucher. Pwede mo ring pambili ng regular load ang iyong GCash voucher.
  • Paano kung hindi umabot sa Php100 ang halaga ng discount vouchers ko? Maaari ko pa rin bang kunin ang 20% discount?
    Oo naman! Ang Php100 ay ang maximum cumulative value o pinaka malaking total discount na maaaring i-claim ng bawat TM-GCash customer, pero wala namang minimum na kailangan gampanan para makuha ang discount. Basta ikaw ay bagong GCash user na nag-register sa November 11 hanggang 30, at ikaw ay bumili ng isa sa mga eligible GCash-exclusive promos, makakakuha ka ng voucher sa susunod na araw.

PINAKABAGONG PROMOS

FEATURED VIDEOS