1. Ano ang GoHealth?
    Ang GoHealth ay health insurance coverage na handog ng Pacific Cross. May kasama rin itong telemedicine services mula sa KonsultaMD.
  2. Anu-ano ang iba’t ibang mga variant ng GoHealth?
    Ang GoHealth ay available sa mga sumusunod na variants:
  3. Variant Coverage Validity Price
    GoHealth 20
    • micro insurance from Pacific Cross worth P1,000 (up to 4 subscriptions)
    • free tele-consult services from KonsultaMD
    3 months 20
    GoHealth 55
    • micro insurance from Pacific Cross worth P4,000 (up to 4 subscriptions)
    • free tele-consult services from KonsultaMD
    3 months 55
    GoHealth 95
    • micro insurance from Pacific Cross worth P7,000 (up to 4 subscriptions)
    • free tele-consult services from KonsultaMD
    6 months 95
  4. Paano mag-register sa GoHealth?
    1. I-text ang keyword sa 8080 (ex. GH 20, GH 55, GH 95)
    2. I-reply ang GH [denom] YES sa loob ng 6 oras para ma-confirm ang iyong subscription.
    3. Pumunta sa https://gohealth.pacificcross.com.ph at i-enter ang e-reference number na ipinadala sa iyo via text sa loob ng 48 oras.
    4. Ibigay ang hinihinging info para sa KYC registration.
    5. Hintayin ang Individual Policy Contract na ipapadala via email.
  5. Kailangan ko ba mag-submit ng KYC registration form kada GoHealth registration ko?
    Kailangan mo mag-submit ng KYC form tuwing magre-register sa GoHealth, alinsunod sa policy ng Pacific Cross at KonsultaMD tungkol sa prepaid health insurance coverage.
  6. Pwede ba ako mag-unsubscribe from GoHealth bago matapos ang coverage ko?
    Hindi mo pwede i-cancel ang iyong medical insurance mula sa GoHealth bago ito matapos.
  7. Anong mga benefits ang kasama sa medical insurance ko?
    Kasama sa iyong medical insurance mula sa Pacific Cross ang mga sumusunod:
    • Emergency Out-Patient o Emergency In-Patient treatment dahil sa covered accident
    • In-Patient Treatment dahil sa COVID-19
    • In-Patient, Out-Patient o Emergency Treatment dahil sa Dengue o Leptospirosis
  8. Pare-pareho ba ang paraan ng pag-avail at pag-reimburse ng benefits?
    Hindi. Para sa Emergency Out-Patient Treatment dahil sa Accident, pwede itong i-avail via no cash-out sa Pacific Cross Accredited Provider Network o via 100% reimbursement ng actual medical expenses na hindi lalagpas sa plan limit.
    Para naman sa Emergency In-Patient Treatment dahil sa Accident, In-Patient Treatment dahil sa COVID-19 at In-Patient, Out-Patient o Emergency Treatment dahil sa Dengue o Leptospirosis, pwede i-avail at i-reimburse ang benefits via 100% lump sum payment ng maximum benefit limit, regardless of the incurred expenses.
  9. Pwede ko na ba gamitin agad ang medical insurance benefit?
    Hindi, magagamit mo ito sa loob ng 3 working days pagka-register mo.
  10. Hanggang ilang dependents ang pwede kong i-register sa pangalan ko?
    Pwede kang mag-register ng hanggang apat (4) na dependents sa pangalan mo.
  11. May age restriction ba sa pag-avail ng insurance coverage?
    Meron. Mula 15 days old hanggang 65 years old lang ang pwedeng ikuha ng insurance coverage.
  12. Magagamit ko ba ang remaining balance ng aking insurance policy kung hindi ako umabot sa maximum benefit limit?
    Hindi. Pag natapos ang iyong coverage, forfeited na rin ang remaining balance nito.
  13. Sino ang pwede kong i-contact para sa iba pang mga insurance-related concerns ko?
    Pwede mong i-contact ang Pacific Cross directly sa (02) 8230-8511 o [email protected] para sa iba pang mga katanungan.