GLOBEONE APP

Mag-load lang nang mag-load para maka-ipon ng rewards points at mag-redeem ng TM Rewards na sakto para sa'yo! Hindi na kailangan mag-register! I-download lang ang GlobeOne app para mag-check ng rewards points balance, mag-redeem, at sumali sa exclusive promos..

 

 

  1. Paano sumali sa TM rewards program?
    Lahat ng active TM customers ay automatic na kasali sa TM Rewards. Walang registration na kailangan at libre lang membership.

  2. Paano makakuha ng points?
    Makakakuha ka ng points sa bawat pag-load.

  3. Paano mag-check ng available points?
    I-download lang ang GlobeOne app via Play Store or App Store.

  4. Paano mag-check ng redeemable rewards?
    Gamitin ang GlobeOne app para sa updated at kumpletong listahan ng redeemable rewards. Maaari ding makita dito ang listahan ng active partner stores na tumatanggap ng rewards points bilang pambayad na parang cash.

  5. Paano gamitin ang GlobeOne app?
    1. I-search ang bagong GlobeOne sa Play StoreApp Store o Huawei App Gallery.
    2. I-download ang app.
    3. Gumawa ng account gamit ang iyong email o social media account.
    4. I-add ang iyong TM mobile number o account.
    5. I-verify ang iyong account gamit ang one-time PIN verification.
    6. Gumawa ng nickname para sa in-add na account.
    7. Pwede mo na makita ang details ng iyong account sa GlobeOne dashboard at i-enjoy ang cool features ng app.
    Para sa iba pang detalye, i-click lang ito GlobeOne app.

  6. Paano mag-redeem ng rewards?
    Mas pinadali na ang pag-redeem ng rewards sa GlobeOne:
    1. Pagkatapos mag-download at mag-register ng GlobeOne app, buksan ang app.
    2. I-tap ang Redeem Rewards icon at piliin ang mga rewards transactions na gusto mong gawin (Redeem/Donate/Pay with your Points).
    3. Kapag naka pili na, ilagay ang Mobile number na gusto mong gamitin pang redeem. Siguraduhin na may sapat na points para maging successful ang redemption.
    4. Pumili ng Rewards offer.
    5. I-click ang “Next.”
    6. Siguraduhin na basahin ang details ng rewards offer na gusto mong i-redeem.
    7. Kung ang number ay may sapat na points, i-click ang Redeem button.
    8. May makikitang successful redemption page.
    9. Hintayin ang 4438 message para malaman na successful ang redemption.
    10. I-check and message at ang link kung saan at paano maclai-claim ang rewards offer na iyong ni-redeem.

  7. Ano ang pagkakaiba ng mga features sa bagong GlobeOne app?
    Sa GlobeOne app, pwede mo na gamitin ang app na ito bilang all-in-one app dahil, pwede mo na i-manage ang iyong account, bumili ng load at promo, i-avail ang pinaka bago na exciting rewards at discounts or voucher at marami pang iba.

  8. Isa sa features ay gifting, pwede ko ba gamitin ito sa GlobeOne app?
    Pwede mo na magamit ang gifting option via rewards gamit ang bagong GlobeOne app. Siguraduhin na naka-enable ang Send as Gift button sa rewards offer na napili mong i-send as gift at ikaw ay may sapat na rewards points para successful ang pagpapadala ng gift.

  9. Kailan mag-e-expire ang points ko?
    Lahat ng hindi nagamit na points sa pagtatapos ng taon ay forfeited pagdating ng March 31 ng kasunod na taon. Pwede mong i-redeem ang rewards bago mag March 30 para maiwasan ang pagka-forfeit ng points.

  10. Pwede bang i-convert ang points para maging cash?
    Pwede mo magamit ito bilang points as cash sa aming mga accredited ECPAY partner outlets via QR code. Para sa ibang detalye tungkol sa ECPAY, basahin dito.

  11. Bakit hindi ako makapag-redeem ng rewards?
    Siguraduhin lang na stable ang iyong mobile internet at updated ang iyong GlobeOne app version.

  12. Pwede ko bang i-cancel ang redemption request ko?
    Hindi na pwedeng i-cancel ang successful redemption requests.


IBA PANG PAWER PROMOS



ALL-NET SURF 20
ALL-NET SURF 20



EASYSURF


DIGITAL EXCLUSIVES
DIGITAL EXCLUSIVES


G KA RIN SA TM TAMBAYAN ONLINE PARA TULUY-TULOY ANG GV