- Ano ang 5G technology, saan ito available at anong benefits nito?
- 5G technology ang pinakabagong evolution sa wireless internet connectivity na nagbibigay ng mas mabilis na internet speed at mas maaasahang connection.
- Lahat ng Globe at TM customers na nasa 5G areas ay pwedeng makagamit ng 5G, basta meron din sila ng mga sumusunod:
- 5G-capable mobile phone na compatible sa TM network
- 5G or 4G/LTE na SIM
- Unti-unting pinapalaganap ng Globe, kasama ng TM, ang 5G sa buong bansa. Inumpisahan ito sa Commercial Business Districts (CBDs) tulad ng BGC, Ortigas at Makati. At ngayon naman ay available na rin sa Rizal, North Luzon, South Luzon, Visayas at Mindanao. Kahit ang mga naka-roaming na bibisita sa Pilipinas na may 5G-capable device ay makakagamit ng 5G sa areas na ito.
- Paano ko malalaman kung nasa 5G coverage area ako at naka-connect na ako sa 5G ng TM?
- Malalaman mo na nasa 5G coverage area ka kapag nakita mo sa mobile phone mo ang “5G” icon sa tabi ng signal strength indicator.
- Siguruhing 5G-capable ang device mo. Kadalasan naman itong makikita sa mobile device box/manual mo o kaya sa network settings ng mobile phone mo.
- May pagkakataon ba na babalik ang 5G signal ko sa 4G kahit na nasa 5G area pa rin ako?
Oo, magkakaroon ng mga pagkakataon na babalik ang 5G connection mo sa 4G kahit nasa 5G area ka:
- Para sa 5G Apple devices, pwede itong mangyari kung ang mobile phone mo ay naka-Low Power Mode, naka-off ang screen o kaya naman ay nag-overheat ang mobile phone mo.
- Para sa 5G Huawei devices, pwede itong mangyari kung naka-off ang screen mo.
- Para sa 5G Vivo devices, mangyayari ito kapag naka-off ang screen ng device mo o kapag nag-overheat ito.
- Para sa 5G Samsung devices, pwede itong mangyari kapag naka-off ang screen mo, nag-overheat ang device mo o mababa ang data usage mo.
- Para sa Moto and Lenovo devices, pwede ito mangyari kapag nag-overheat ang device mo.
- Gaano kabilis ang 5G at may pagkakaiba ba sa experience ng 5G mobile kumpara sa 5G broadband?
Mas mabilis ang 5G sa karaniwang internet speed na ginagamit ngayon, depende sa device at location mo. Kahit pareho silang gumagamit ng 5G technology, nagbibigay ng high speed data services ang 5G mobile tuwing nasa labas ka, habang ang 5G broadband naman ay nagbibigay ng high broadband speed sa loob ng bahay. - Meron bang mga 5G offer na pwede kong i-avail?
Upang ma-enjoy ang 5G, siguruhing:
- Meron kang 5G-capable na mobile phone.
- Nasa 5G network ka.
- Dapat makita mo sa signal status ang “5G”.
- Dapat nasa 5G area ka ng TM/Globe.
- Ang gamit mong SIM ay 5G/LTE.
- Meron kang sapat na 5G mobile data allocation. Pwede mong i-check sa GlobeOne App.
- EasySURF99
- EasySURF99 App Exclusive
- EasySURF110
- EasySURF140
- 5G device naman ang gamit ko, pati ang SIM ko. Nasa 5G area din ako at naka-register ako sa isang 5G promo. Bakit nababawasan pa rin yung data balance ko na hindi 5G?
Para ma-enjoy ang 5G connection mo, siguruhing nakikita ang “5G” sa signal indicator. I-check mo din sa phone settings kung naka-select ang 5G bilang Preferred Network Mode para sa mga Android at “Cellular Data Options > Voice & Data” naman para sa iOS. - Mas mabilis bang kumain ng data allowance ang 5G?
Dahil sa mabilis na pag-download at upload ng 5G, posible itong mangyari. Pero nakabase pa rin ito sa normal na rate per MB/GB na na-co-consume mo ngayon. Pwede mong ma-track ang iyong 5G usage sa GlobeOne App. - Dahil mas mabilis ang 5G data, pwede ko bang limitahan ang data usage ko sa aking 5G device?
Depende ito sa phone mo. Pwede mong i-activate ang Data Saving Mode na makikita sa device settings. - Ano ang dapat kong gawin kung naka-connect na ako sa 5G pero ‘di ako maka-surf ng internet?
Subukan ang steps na ito:- I-on ang airplane mode nang ilang saglit at i-disable din ito pagkatapos para ma-refresh ang data connection mo.
- I-restart mo ang phone mo at subukang mag-connect ulit sa 5G mobile data.
- Magkasama kami ng aking kaibigan pero may signal siya at ako wala.
Maaaring hindi 5G-capable ang phone mo o hindi pa kayang suportahan ng hardware ng phone mo ang software capabilities na ginagamit ng TM.