COMBO15
May 120-minute calls na sa TM/Globe, may unli all-net texts pa!
Di ka na mahuhuli sa kwentuhan! Sa ₱15 mo, meron ka ng 120-minute calls to TM/Globe at unlimited all-net texts na valid for 2 days!
- Hindi kailangan ng maintaining balance para magamit ang COMBO15.
- To register, i-text lang ang keyword at i-send sa 8080. Pwede ring mag-register via GlobeOne app.
KEYWORD | DESCRIPTION | RATES |
---|---|---|
COMBO15 | To register to the promo | ₱15 |
COMBO15 INFO | To inquire about the service | FREE |
COMBO15 BAL | To check your balance/status | FREE |
COMBO15 STOP | To unsubscribe | FREE |
-
Ano ang TM COMBO15?
With COMBO15, meron kang unlimited all-net texts at 120-minute calls to TM/Globe na valid for two days—₱15 lang!
-
Paano mag-register sa promo na ito?
Para mag-register sa TM COMBO15, i-text ang COMBO15 or C15 sa 8080.
-
Sino ang pwedeng gumamit ng promong ito?
Ang promong ito ay available sa lahat ng TM subscribers nationwide.
-
Kung hindi ako TM subscriber, pwede pa rin ba akong mag-register sa promo?
Ang TM COMBO15 ay available para sa mga TM subscribers lang.
-
Ako ay naka-TM SIM. Pwede ba akong mag-text at tumawag sa naka-SMART, TNT o SUN gamit ang promong ito?
Maaari mong gamitin ang unlimited all-net texts sa kahit anong network. Pero maaari mo lang gamitin ang 120-minute calls sa lahat ng TM at Globe subscribers.
-
May maintaining balance ba para magamit ang TM COMBO15?
Walang maintaining balance na kailangan para makapag-register at magamit ang TM COMBO15.
-
Pwede ba akong mag-text at tumawag agad matapos mag-send ng TMCOMBO15 sa 8080?
Para makasigurado na hindi mababawasan ang load mo, hintayin muna ang confirmation message na nagsasabing active na ang subscription mo bago mag-text o tumawag.
-
Maaari na ba akong mag-text at tumawag kapag natanggap na ang confirmation message?
Maaari ka nang magtext at tumawag kung natanggap mo na ang confirmation message.
-
May prefix pa ba na kailangang gamitin?
Wala na. Diretso dial na ng TM o Globe number na gusto mong tawagan.
-
Kailan mag-eexpire ang registration ko?
Ang TM COMBO15 ay valid sa loob ng 48 hours o two days.
-
Pwede ba akong mag-register ulit ng TM COMBO15 kahit may active na COMBO15 subscription pa ako?
Hindi. Kailangan mong hintayin mag-expire ang nauna mong COMBO15 registration bago ka makapag-register ulit.
-
Pwede pa rin ba akong gumamit ng ibang TM voice/text offers habang active pa ang TM COMBO15 ko?
Maaari mo lang gamitin ang mga prefix-based na promo tulad ng Sakto Calls, SuliTawag at TodoTawag 15/15 habang naka-register sa TM COMBO15. Mag-aapply ang rate ng ibang promong ginamit bukod sa TM COMBO15.
-
Paano ko malalaman kung expired na ang registration ko sa TM COMBO15?
Makakatanggap ka ng text alert kapag tapos na ang subscription mo sa TM COMBO15: Ang COMBO15 subscription mo ay nahinto na. Mag-register ulit! Text COMBO15 to 8080. -
Pwede bang hati-hatiin ang tawag ko hanggang sa maubos ang 120 minutes?
Pwedeng hati-hatiin ang 120 minutes mo na tawag. Maaaring tumawag ng 120 beses kung tig-iisang minuto kada tawag ang gagawin mo.