TM SurfAlert

SURFALERT

 

We gotchu, Ka-TeaM! Para maiwasan ang ‘di inaasahang data charges sa pag-surf mo ng net, i-activate na ang SurfAlert.

  1. Ano ang SurfAlert?
    Ang SurfAlert ay isang free service ng TM para protektahan ka sa unexpected browsing charges at siguraduhing worry-free ang pag-surf mo.

    Pansamantalang ititigil nito ang data browsing mo sa phone pag nag-connect ka sa internet ayon sa mga sumusunod:

    1. Ubos na ang data allowance mo o nag-expire na ang promo mo.
    2. Hindi ka naka-register sa kahit anong data promo.
    3. Sinubukan mong mag-access ng website o app na hindi sakop ng data promo mo.

    Makakakuha ka rin ng alerts mula sa TM para malaman kung itutuloy o hindi ang browsing mo, o kung gusto mong mag-register sa TM data promos.

  2. Paano i-activate ang SurfAlert?
    I-text ang SURFALERT ON sa 8080 para i-activate ang SurfAlert, at makatanggap ng notifications mula sa TM tuwing magko-connect ang phone mo sa internet habang hindi ka naka-register sa data promo.

  3. Pwede ko bang i-deactivate ang SurfAlert?
    Pwede mong i-text ang SURFALERT OFF sa 8080 para i-deactivate ang SurfAlert. Pag na-deactivate ito, pwede kang mag-surf sa regular browsing rate na ₱5 per 15 minutes, at hindi ka makakatanggap ng free occasional alerts. Pwede mo ring i-text ang SURFALERT HOLD sa 8080 para pansamantalang ma-disable ang SurfAlert hanggang 12 ng madaling araw.

  4. Pwede ba akong mag-browse sa free sites pag naka-on ang SurfAlert kahit hindi ako naka-register sa data promo?
    Yes, pwede ka pa ring mag-browse ng apps at websites na free of charge.

  5. Bakit wala akong nakukuhang SurfAlert notification kahit na naka-on na ito?
    Posibleng hindi ka nakakakuha ng notification dahil sa mga sumusunod:

    1. Naka-register ka sa data promo.
    2. Hindi ka gumagamit ng mobile data.

    Para makita ang natitirang data allocation mo o mag-register sa data promos, buksan ang GlobeOne app na madali mong mada-download dito. Pwede mo ring i-connect sa WiFi ang phone o tablet mo pag in-access mo ang apps na ito para maiwasan ang di inaasahang data charges.

  6. Bakit nakakakuha pa rin ako ng SurfAlert notifications kahit wala akong data activity sa phone o tablet ko?
    Kapag naka-on ang mobile data mo, nade-detect ng SurfAlert ang background activity ng apps sa phone o tablet mo, lalo na kung gumagamit ang mga ito ng mobile data.

  7. Available ba ang SurfAlert kapag naka-data roaming promo ako?
    Ang SurfAlert ay para lang sa local data promos.

  8. Bakit hindi ako maka-connect sa internet kahit may regular load ako?
    Para protektahan ka sa di inaasahang data charges, hindi ka makakapag-access ng mobile internet kapag wala kang active data promo. Para tuluy-tuloy ang data browsing mo, pwede kang mag-register sa kahit anong TM data promo na nasa GlobeOne app o GCash app. Pwede ka ring mag-connect sa WiFi kapag gumagamit ng apps na ito para maiwasan ang unwanted charges.


IBA PANG PAWER PROMOS



ALL-NET SURF 20
ALL-NET SURF 20



EASYSURF


DIGITAL EXCLUSIVES
DIGITAL EXCLUSIVES


G KA RIN SA TM TAMBAYAN ONLINE PARA TULUY-TULOY ANG GV