TM 5G SIM AT SIM REGISTRATION
Ang SIM Registration Act ay ginawa para mas safe ang online experience mo. Makatutulong ang batas na ito para tuluyan nang mawala ang spam at scam messages. Mag-register na para tuluy-tuloy ang pawer ng samahan.
Pawer na ang bagong TM SIM dahil LTE at 5G-ready na ito, may FREE EasySURF50 pa.
PAANO I-REGISTER ANG TM SIM?
Step 1: Pumunta sa https://new.globe.com.ph/simreg.
Step 2: I-fill out ang form at mag-upload ng ID.
Step 3: Hintayin ang text confirmation.
Magsisimula ang SIM Registration (sa mga bago at existing customers) sa December 27, 2022. Ang SIM Registration process ay LIBRE at walang charge sa inyong mobile data wallet (kapag nasa SIM Registration website).
- Ano ang SIM Registration Act?
Ang SIM Registration Act ay isang batas na nagre-require ng pag-register ng lahat ng mga SIM (physical o electronic) para ito ay ma-activate. Sa ilalim nito, lahat ng may-ari ng SIM card (kahit anong device) ay dapat magpa-register ng kanilang mga SIM.
Ang batas ay ipinasa para labanan ang paglaganap ng SIM-aided criminal activity, kabilang ang smishing o scam texts at iba pang paraan ng panloloko gamit ang mobile phone at online platforms.
Sa ilalim ng batas, lahat ng SIM na ibebenta ng mga “Public Telecommunication Entity” (PTE) o telcos at mga legal na distributor o reseller ay "nasa deactivated state." Maa-activate lang ang mga ito kapag nai-register na ng mga end-user ang kanilang SIM. - Sino ang sakop ng SIM Registration Act?
Lahat ng SIM user, parehong lokal at foreigner, at mga corporate entity na gumagamit ng mga SIM na binili sa Pilipinas para gamitin sa mga device tulad ng mga cellphones at modem. - Ano ang posisyon ng TM sa SIM Registration Act?
Sinusuportahan ng TM ang SIM Registration Act at nakipagtulungan sila sa gobyerno sa pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR) nito na lumabas noong December 12, 2022. Ang bagong batas ay magbibigay-daan din sa financial inclusion at maaaring magsilbing isang paraan para sa mabilisang pagpapadala ng pamahalaan ng tulong pinansyal sa mga nangangailangan sa panahon ng krisis. - Ano ang epekto ng SIM Registration Act sa TM at ano ang ginagawa ng organisasyon para suportahan ito?
Naglabas ng dagdag na pondo ang TM para magtatag ng mga maaasahan na sistema na para sa ligtas na pagpapatupad ng SIM Registration Act. - Maaari bang ihinto ng batas ang spam at scam text messages at iba pang ilegal na aktibidad?
Ang SIM Registration Act ay ginawa upang labanan ang panloloko at phone-related crimes. Ang panukalang ito ay umaakma sa matagal nang pagsusumikap ng TM sa proteksyon ng scams tulad ng pag-invest sa filtering systems, maagap na pagharang ng text messages scams at spam at pakikipag-partner sa mga bangko at institusyong pampinansyal para mag-share ng data. - Kailan magkakabisa ang IRR ng batas?
Ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas ay na-publish sa isang newspaper of general circulation noong December 12, 2022 at magkakabisa sa December 27, 2022 —15 na araw mula sa paglalathala nito. - Kailan ako pwedeng magsimulang mag-register ng aking SIM?
Magsisimula ang pagpapa-register ng SIM sa December 27, 2022 para sa mga bago at existing na SIM. Ang mga bagong SIM user ay kailangang mag-register agad ng kanilang mga SIM para ma-activate ito. Ang existing SIM users naman ay kailangang makapag-register hanggang sa April 26, 2023. - Saan ako magpapa-register?
Maaaring mag-register ang mga customer ng TM sa new.globe.com.ph/simreg. Simula January, maaari ring magpa-register ang mga customer sa pamamagitan ng GlobeOne app. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ito: www.globe.com.ph/help/sim-registration-act.html. - Hanggang kailan pwede magparehistro ang mga gumagamit ng SIMs?
Lahat ng mobile phone at prepaid broadband customers ay dapat mag-register ng kanilang mga SIM sa kani-kanilang service provider bago sumapit ang April 26, 2023. - Ano ang mangyayari kung hindi ko mai-register ang aking SIM sa loob ng itinakdang oras?
Ide-deactivate ang SIM. Kapag na-deactivate ang iyong SIM, hindi ka na pwedeng mag-text, tumawag at gumamit ng data at iba pang serbisyo ng TM. - Kung bibili ako ng bagong SIM, hanggang kailan pwede mag-register bago ito mag-expire?
Kung bumili ka ng bagong prepaid SIM bago o pagkatapos ng December 27, 2022, kailangan mong mag-register kaagad para ma-activate ang iyong SIM. Magagamit mo lamang ang iyong SIM hanggang sa mag-expire ang shelf life nito na nakasaad sa packaging.
Kung bumili ka ng prepaid SIM bago December 27, 2022 at wala kang nagawa na transactions gamit ang SIM, pwede ka pa rin mag-register hanggang sa mag-expire ang shelf life ng SIM na nakasaad sa packaging. Para sa mga may active na load at promo, mayroon kang 120 na araw mula sa pag-expire ng promo. Para naman sa prepaid WiFi, mayroon kang 180 na araw. - Na-activate ko ang aking SIM bago ang December 27, 2022. Mawawalan ba ako ng access sa pag-tawag, text at data kapag ipinatupad ang batas sa December 27, 2022?
Hindi. Maaaring ipagpatuloy ang paggamit ng call, text at data hangga't mayroon kang active na promo. Para matiyak ang tuluy-tuloy na access, kailangan mong i-register ang SIM mo on or before April 26, 2023. - Anong impormasyon ang kailangan para magpa-register ng mga SIM?
Kailangan ibigay ng SIM user ang sumusunod na impormasyon:
- Full Name
- Birthday
- Gender
- Address
- Mobile Number
- Government ID with ID number
- Government ID with picture
- Proof na lahat ng info ay tama
- Anong mga uri ng ID ang tatanggapin para mag-register ng SIM?
Ang mga sumusunod ay ang mga opisyal na ID card na tatanggapin sa pag-register ng mga SIM:
- Driver’s License
- Firearms License
- IBP ID
- NBI Clearance
- OWWA ID
- Passport
- Philippine National ID
- Police Clearance
- PRC ID
- PWD Card
- IBP ID
- Senior Citizen’s Card
- SSS/GSIS Card
- TIN ID
- UMID Card
- Voter’s ID
- Other valid government-issued IDs
- Ano ang proseso ng pagpapa-register ng SIM para sa mga batang wala pa sa legal na edad at walang government ID?
Ang mga SIM ng mga menor de edad ay dapat i-register sa ilalim ng pangalan ng magulang o legal na tagapangalaga. - Kakalipat ko lang sa TM via Mobile Number Portability. Dapat ko pa bang i-register ang aking prepaid SIM?
Oo. Kailangan mong i-register muli ang iyong SIM sa pamamagitan ng online registration portal ng TM. - Gumagamit ako ng prepaid SIM para sa negosyo. Sino ang dapat kong i-register bilang may-ari ng SIM card?
Pwedeng mag-register ang kahit sinong authorized representative ng kumpanya. Dapat ipaalam ng kumpanya sa kanilang telco provider ang anumang mga pagbabago tungkol sa kanilang mga SIM na ginagamit pang-negosyo. - Nasa ibang bansa ako pero gumagamit ako prepaid SIM. Kailangan ko pa bang mag-register?
Oo. Ang mga nasa ibang bansa o naka-roaming ay kailangan pa ring magpa-register ng kanilang SIM sa pamamagitan ng online registration portal ng TM upang maiwasan ang deactivation. - Isa akong verified GCash user. Kailangan ko pa bang i-register ang aking TM SIM?
Oo. Iba ang pag-register ng SIM sa pag-verify ng GCash. - Ako ay isang dayuhan sa Pilipinas. Kailangan ko bang i-register ang aking Philippine SIM?
Oo. Para sa mga dayuhang bumibisita bilang turista, ang kanilang mga registered SIM ay pwede lang gamitin sa loob ng 30 na araw at automatic na made-deactivate kapag nag-expire ang SIM. Ang kinakailangan ay ang sumusunod:
- Passport (kopya ng bio-page at mga pahina kung saan ang kasalukuyang visa ay nakatatak o ipinapakita) na nagsasaad ng numero ng pasaporte, buong pangalan at nasyonalidad
- Katibayan ng tirahan sa Pilipinas (Proof of booking sa isang hotel o iba pang uri ng tirahan, o kung wala ito, isang affidavit/sulat mula sa may-ari ng bahay o tirahan kung saan tutuloy ang dayuhan)
- Ticket pabalik sa bansang pinanggalingan o sa ibang bansa na ipinapakita ang petsa at oras ng pag-alis mula sa Pilipinas
Ang mga dayuhan na may iba pang uri ng visa ay dapat magpakita ng:- Passport (kopya ng bio-page at mga pahina kung saan ang kasalukuyang visa ay nakatatak o ipinapakita) na nagsasaad ng numero ng pasaporte, buong pangalan at nasyonalidad
- Katibayan ng tirahan sa Pilipinas (Proof ng booking sa isang hotel o iba pang uri ng tirahan, o kung wala ito, isang affidavit/sulat mula sa may-ari ng bahay o tirahan kung saan tutuloy ang dayuhan)
- Iba pang dokumento, tulad ng:
- Alien Certificate of Registration Identification Card (ACRI-Card) mula sa Bureau of Immigration o iba pang uri ng opisyal na ID na inisyu ng ahensyang nagbibigay ng visa
- Alien Employment Permit mula sa Department of Labor and Employment
- School registration at ID para sa mga estudyante
- Para sa Persons of Concern o POCs, uri ng travel o admission document na inisyu ng Department of Justice
- Paano ako magre-register ng higit sa isang SIM?
Maaaring magpa-register ang mga subscriber na mayroong maraming SIM pero kailangan i-register ang bawat isa sa ilalim ng kanilang pangalan. - Na-register ko na ang SIM ko pero hindi pa rin gumagana. Ano ang dapat kong gawin?
I-contact ang customer service namin sa TM Tambayan Facebook Messenger. - Ano ang mangyayari sa load at promo registration ko kung magiging deactivated ang SIM ko?
Mawawala ang lahat ng existing na load, promo registrations at freebies na available dahil kasama sa deactivation ang pagbura ng lahat ng impormasyong nauugnay sa SIM. - Kung ma-deactivate ang SIM ko dahil sa hindi pag-register, maaari ko bang makuha ulit ang dati kong number kapag bumili ng bagong SIM?
Hindi na magagamit ang kasulukuyang number kung hindi ma-re-register ang SIM. Ito ang dahilan kung bakit DAPAT magpa-register ang mga gumagamit ng prepaid SIM mula December 27, 2022 hanggang April 26, 2023. - Ano ang gagawin ko kung mawala ang aking cellphone o device kasama ang aking naka-register na SIM?
I-report sa TM ang nangyari at ibigay ang sumusunod na impormasyon: pangalan, address, birthday at mobile number. Ang mga apektadong customer ay maaaring makipag-ugnayan sa TM sa pamamagitan ng opisyal na TM Tambayan Facebook Messenger account para sa mga urgent concerns o i-ulat ito sa pinakamalapit na Globe store.
Ang iyong prepaid SIM ay permanenteng madi-disconnect at makakatanggap ka ng bagong SIM na may parehong mobile number. - Ano ang iba pang mga pagkakataon kung saan kailangan ipaalam ng mga customer sa kani-kanilang telcos ang status ng kanilang mga naka-register na SIM?
Dapat ipaalam sa TM kung sakaling magkaroon ng sumusunod:- Anumang pagbabago sa impormasyong nauugnay sa mga personal na detalye na i-sinubmit sa panahon ng pagpapa-register.
- Hinihiling ng customer ang pag-deactivate ng isang naka-register na SIM.
- Pagkamatay ng isang SIM customer. Dapat i-ulat ng pamilya sa TM agad-agad.
- Ano ang mangyayari sa mga detalye ko na naka-link sa mga third-party app kapag na-deactivate ang aking SIM?
Ang pagpapa-register ng SIM ay nakakaapekto lamang saTM account mo. Kung na-deactivate ang SIM mo, kailangan mong i-update ang mga detalye ng account mo sa mga third-party app nang hiwalay. - Mananatili bang confidential ang data ng subscriber?
Oo, kaya huwag mag-alala! Nakalagay sa batas na dapat confidential ang data ng mga SIM user. Ayon sa Seksyon 9 ng batas (Confidentiality Clause): "Anumang impormasyon at data na nakuha sa proseso ng pagpapa-register na inilarawan sa ilalim ng batas na ito ay dapat ituring na ganap na confidential at hindi dapat ibunyag sa sinumang tao." Ang clause na ito ay magkakabisa matapos mai-register ang SIM mo.
Pinaparusahan din ng batas ang paglabag sa clause na ito. Ang impormasyon ng user ay maaari lamang ilabas kung ang isang subscriber ay nagpapahintulot sa pag-access sa kanilang impormasyon. Ang mga telco ay maaari lamang maglabas ng subscriber data sa pamamagitan ng utos ng hukuman. Ayon sa batas, kapag na-deactivate ang SIM mo, matatanggal ang iyong personal data mula sa SIM pero i-a-archive ito ng telco ng di bababa sa 10 taon. - Mayroon bang parusa para sa hindi pagsunod sa SIM Registration Act?
Oo, ang batas ay nagtatakda ng mga parusa para sa mga SIM user at telcos.
Ang mga indibidwal na napatunayang nagbibigay ng maling impormasyon o pekeng ID, nang-spoof ng isang registered SIM o nagbebenta ng ninakaw na SIM ay maaaring makulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon at papatawan ng ₱300,000 na multa.
Samantala, ang mga telco na tumangging magpa-register ng SIM nang walang valid na dahilan ay maaaring pagmultahin mula ₱100,000 hanggang ₱1 milyon, depende sa bilang ng mga paglabag. May multa rin na ₱500,000 hanggang ₱4 milyon ang mga telcos, ahente ng telcos at empleyado ng telcos kapag nilabag nila ang data confidentiality.
- Ano ang bagong TM 5G-Ready SIM?
Ito ay ang parehong TM 4G/LTE SIM na ngayon ay mas pinalakas na dahil 5G-ready na rin ito! Sa bagong SIM na ito, magiging handa na kayo pag dumating na ang 5G signal sa inyong area, provided na 5G na device din ang gamit niyo. - Ano ang mga freebies ng TM 5G-Ready SIM?
WELCOME FREEBIE
- Ang mas pinagandang Welcome SIM Sampler ay may libre nang 5 GB na EasySURF50!
- 2 GB internet
- 3 GB FunALIW Pack
- Unli text to all networks
- Valid for three days
- Ang FunALIW Pack ay magagamit sa mga sumusunod na app or sites:
- Youtube
- Mobile Legends
- TikTok
- WeSing
- Para i-claim ang welcome freebie, i-text ang FREEEZ50 sa 8080.
- Hintayin ang text confirmation.
GLOBEONE APP
- Kapag nag-download ka ng GlobeOne app at successful ang pag-sign up mo, makakakuha ka ng libreng 10 TM Rewards points.
- Makukuha mo agad ang iyong free FunALIW Pack, pero ibibigay ang TM Rewards points mo within seven working days mula sa pag-download ng GlobeOne app at pag-sign up dito.
- Hintayin ang text confirmation.
MONTHLY DATA PACK FREEBIE
- Bukod sa free 5 GB na makukuha ng mga bagong ka-TM sa welcome freebie, meron ka pang additional 5 GB na EasySURF50 (valid for three days) kapag nag-load ka ng ₱150 within the month, sa loob ng three months.
- Hintayin ang text confirmation.
- Ang mas pinagandang Welcome SIM Sampler ay may libre nang 5 GB na EasySURF50!
- Walang 5G signal o hindi 5G-ready ang aking mobile phone. Pwede ko pa rin ba gamitin ang bagong TM 5G SIM?
Oo, dahil 3G at 4G/LTE-powered pa rin ang SIM na ito. Ngayon, 5G-ready na rin. - Paano mag-load?
SA AUTOLOAD MAX
Mag-load sa suking tindahan na malapit sa’yo.
SA TM CALL CARDS
- Pwede ka ring bumili ng mga sumusunod na call cards:
- ₱50 load na valid for 15 days
- ₱100 load na valid for 30 days
- ₱300 load na valid for 75 days
- Para mag-load gamit ang TM Call Card:
Step 1: I-dial at tawagan ang *143#.
Step 2: Piliin ang “LOAD CALL CARD” at i-press ang “OK.”
Step 3: I-enter ang 10-digit call & text card number at i-press ang “OK.”
Step 4: I-enter ang 6-digit PIN at i-press ang “OK.”
SA GLOBEONE APP
Pwede ka bumili ng load sa GlobeOne app:
Step 1: Buksan ang GlobeOne app.
Step 2: I-click ang “Buy Load” or “Buy Promos.”
Step 3: Mamili ng load o promo na kailangan.
Step 4: I-enter and 11-digit mobile number.
Step 5: Piliin ang denomination or promo na gustong i-load.
Step 6: I-click ang “Buy Load” o “Subscribe” button.
Step 7: Mamili sa payment channel na gagamitin:- GCash
- Credit or debit card
- Charge to load
SA GCASH APP
Pwede ka bumili ng load sa bagong GCash app:
Step 1: Buksan ang GCash app.
Step 2: I-click ang “Load” sa GCash menu.
Step 3: I-click ang TM logo at i-type ang mobile number na loloadan then press “Next.”
Step 4: Basahin ang pop-up message ng mabuti at tingnan kung tama ang number na loloadan. Press “Yes, Proceed” kung ito ay tama.
Step 5: Piliin ang denomination or promo na gustong i-load.
Step 6: I-click ang “Buy Now” button.
Step 7: Basahin ang summary at kung ito ay tama, press “Pay” button. - Pwede ka ring bumili ng mga sumusunod na call cards: