MOBILE INTERNET
May mobile internet na sa TM!
Paano mag-internet sa cellphone? Madali lang. Sundin lang steps na ito:
- Step 1: Siguraduhing “internet-ready” ang cellphone mo. Para malaman kung internet-ready ang phone mo:
- I-check ang web o internet icon – Pumunta sa main menu ng phone at hanapin ang icon para sa “Web” o “Internet” (karaniwan itong image ng globe). Kapag may ganitong icon sa main menu ng phone mo, internet-ready ito.
- I-check ang model specifications – Pwede ring malaman kung internet-ready ang phone mo depende sa model. Pwede mong i-check ang likod ng cellphone o ilalim ng battery para makita ang impormasyong ito.
- I-check ang tamang internet settings – Kailangan ring tama ang configuration setting para maka-connect ka ng maayos sa internet gamit ang cellphone. Para sa libreng settings, i-text lang ang GO sa 2951. Makakatanggap ka ng text confirmation at internet settings na kailangan mong i-save as default.
- Siguraduhing may load para sa regular mobile browsing charge – Kailangan ring meron kang at least ₱5 para makapag-internet. Ang regular mobile browsing charge ay ₱5 kada 15 minutes.
- Step 2: Kapag tama na ang settings ng phone mo, pwede ka ng mag-browse!
Pumunta sa main menu ng cellphone at i-click ang internet services o internet browsing na kadalasang may icon na globe. Pagkatapos i-click ang icon, i-type ang URL o website sa address bar ng mobile browser.
Ang address bar ay karaniwang merong https://www sa unahan ng box. Siguraduhing tama at kumpleto ang website na ilalagay tulad ng: https://www.facebook.com
- Ano ang mobile data?
Ang mobile data ay ang internet connection na galing sa cellular networks para sa mobile devices tulad ng smartphones at tablets. Dahil dito, pwede ka mag-access ng internet, mag-browse ng websites, gumamit ng online services, mag-stream ng videos at playlists at mag-download ng files sa mobile device mo nang hindi kailangan ng WiFi connection. - Ano ang iba’t ibang uri ng mobile data?
Ito ang mga uri ng mobile data na pwede mong maranasan:
- 2G: Ito ang naunang uri ng data connection. Pwede ito para sa basic tasks tulad ng pag-check ng emails o paggamit ng messaging apps kagaya ng WhatsApp.
- 3G: Ito ang mas mabilis na data connection na recommended para sa web browsing, video streaming at paggamit ng social media apps tulad ng Facebook, TikTok o Instagram.
- 4G LTE: Ito ang pinakamadalas gamitin na mobile data type. Mayroon itong high-speed internet access na pwede sa HD video streaming sa platforms tulad ng Netflix o YouTube, online gaming, at pag-download ng large files o apps
- 5G: Ito ang pinakabagong mobile data na may mas mabilis na internet speeds at mas malaking network capacity. Pwede ito para sa advanced applications tulad ng AR/VR experiences at cloud gaming. Magagamit lang ito ng 5G-ready devices sa mga lugar na may 5G.
- Paano ko magagamit ang mobile data?
Kailangan mo ng phone na pwedeng kumonek sa data at siguraduhing naka-on ito. Para i-on ang data:
Para sa Android users:
Pumunta sa: Settings > Wireless & networks > Mobile network > Mobile data
Para sa Apple users:
Pumunta: Settings > Cellular > Cellular Data
- Magkano ang pag-connect sa mobile data?
Para sulit ang paggamit mo ng mobile data, pwede kang mag-register sa data promo tulad ng EasySURF50 5G na may 3 GB na pang-internet, 3 GB 5G access, 3 GB (1 GB/day) para sa app freebies at unli all-net texts na valid for three days. I-check ang GlobeOne app para makita ang sulit na data promo para sa’yo. - Gaano karaming data ang nagagamit para sa karaniwang internet activities?
- Web Browsing: Mga 1–3 MB data ang madalas na nagagamit sa pag-load ng isang webpage na wala masyadong media content tulad ng videos.
- Email: Ilang kilobytes ng data per message lang ang madalas na nagagamit sa pagpapadala at pagtanggap ng text-based emails.
- Social Media: Mga 10–100 MB per hour ang nagagamit sa pag-browse ng social media platforms tulad ng Facebook o Instagram, depende sa media content na lumalabas at video autoplay settings.
- Music Streaming: Mga 0.72 MB per minute (o 43 MB per hour) ang nagagamit pag nag-stream ng music sa platforms tulad ng Spotify o Apple Music sa standard quality (about 96 Kbps).
- Video Streaming: Nakadepende ang pag-stream ng video content sa YouTube, Netflix o iba pang platform tulad nito sa ginagamit na resolution. Halimbawa, nasa mga 0.7–1 GB per hour ang pag-stream in standard definition (480p), o 2–4 GB per hour naman o higit pa kapag high-definition (1080p) o ultra-high definition (4K) ang video quality.
- Online Gaming: Mga 20–100 MB per hour ang nagagamit sa online gaming, depende sa nilalaro. Mas makain sa data ang games na multiplayer o maraming graphics.
- Video Calls: Mga 300–500 MB per hour ang nagagamit sa platforms tulad ng Skype o Zoom, depende sa video quality at tagal ng video call.
- File Downloads: Nasa ilang megabytes o gigabytes ang nagagamit sa pag-download ng apps, files o software updates, depende sa laki ng file.
- Bakit kaya mabilis maubos ang mobile data ko?
Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit mas mabilis maubos ang mobile data mo at ano ang pwede mong gawin para ma-manage ito:
- Background Data Usage / Automatic App Updates: Kapag nag-update ang apps automatically, gumagamit ito ng mobile data. Halimbawa, kung marami kang apps na naka-auto-update, pwede itong gumamit ng maraming data.
Ano ang maaaring gawin: I-on ang “Low Data Mode” (Android) o “ Data Saver” (iOS) ng phone para matigil ang automatic update ng apps at iba pang background tasks na gumagamit ng mobile data.
Para sa Android users:
Pumunta sa: Settings > Data Usage > Data Saver > Turn On Now
Para sa Apple users:
Pumunta sa: Settings > Cellular Data > Cellular Data Options > Data Mode > Low Data Mode
- Streaming Apps: Ang video streaming tulad ng Netflix at YouTube, at music services tulad ng Spotify ay pwedeng gumamit ng maraming data lalo na kung high-definition ang streaming.
Ano ang maaaring gawin: I-adjust ang video quality sa streaming apps para makabawas sa data.
Facebook
Pumunta sa: Settings > Media > Data Saver
TikTok
Pumunta sa: In App Settings > Data Saver
Netflix
Pumunta sa: In App Settings > Cellular Data Usage > Save Data
YouTube
Para sa Apple users:
Pumunta sa: Settings > Video Quality > Preferences > On Mobile Networks > Data Saver
Para sa Android users:
Pumunta sa: Settings > Data Saving > Data Saving Mode
Note: Ang video quality ay automatic na naka-data saver kapag ang data saving mode ay naka-on.
- Video Autoplay: Madalas nag-o-autoplay ang mga videos sa social media tulad ng Facebook o Instagram habang nagi-scroll ka sa feed mo. Pwede itong makabawas ng maraming data.
Ano ang maaaring gawin: Pwede kang pumunta sa app settings para i-off ang autoplay, o piliin na mag-autoplay kung naka-WiFi.
- Push notifications: Nakakabawas din ng data ang mga app notifications lalo na at tuluy-tuloy ang update nito.
Ano ang maaaring gawin: I-off ang mga push notifications ng apps na hindi naman important o kailangan.
- File Downloads: Nakakabawas din ng data ang pag-download ng malaking files tulad ng movies, software updates at games.
- Signal Strength: Mas maraming data ang nagagamit kapag mas malakas ang signal.
Iba pang dahilan kung bakit mabilis maubos ang mobile data:
- Background Data Usage / Automatic App Updates: Kapag nag-update ang apps automatically, gumagamit ito ng mobile data. Halimbawa, kung marami kang apps na naka-auto-update, pwede itong gumamit ng maraming data.
- Paano ko iche-check ang natitira kong mobile data?
Merong dalawang paraan para ma-check ang natitira mong mobile data:- Buksan ang GlobeOne app. Makikita ang natitirang data pagkabukas mo nito.
- I-text ang DATA BAL sa 8080 for free.
- Bakit naubos na ang data ko kahit hindi pa expired ang promo?
Ang mas madalas na paggamit ay pwedeng makabawas ng data nang mas mabilis. Pwedeng maubos ang data kahit hindi pa expired ang promo, depende sa paggamit mo. Halimbawa, kung naka-register ka sa EasySURF50 na may 3 GB data, 3 GB para sa app freebies (1 GB/day) at unli allnet texts na valid for three days, pwedeng maubos lahat ng data mo bago ang pangatlong araw kung malakas ang paggamit mo nito.