UTANG load/promo
‘Pag may emergency, sagot ka namin, Ka-TeaM!
Stuck sa traffic? Walang mapa-loadan? Chill lang at kami na ang bahala sa’yo! Dahil sa TM, pwede nang manghiram ng load or promo anytime at bayaran later!
- Para humiram, buksan ang GlobeOne app, pumunta sa BUY section, i-tap ang BUY TM promos at i-search ang “LOAN”. Pumili ng utang offer na kailangan mo at mag-register.
- Kung nagkaroon na ng sapat na budget, pwede na bayaran ang hiniram. Bumili lang ng load sa paborito mong top-up channel at hintayin ang successful collection message para malaman na nabayaran na ito.
- Siguraduhin na bayad na ang unang hiniram na load o promo para pwede ka makahiram ulit sa susunod na kailangan mo ito.
- Ano ang benefits ng TM Utang service?
Sa TM Utang service, patuloy ka pa ring makaka-call, text, o internet kahit walang load! Pwede kang mamili sa emergency offers na ito:
KEYWORD DESCRIPTION PRICE VALIDITY COMBOSOS 2 mins. of all-net calls at 5 all-net texts ₱6 1 day CALLSOS 3 mins. of all-net calls ₱6 1 day TXTSOS 10 all-net texts ₱6 1 day MBSOS 100 MB data ₱6 1 day IDDSOS 1 min of IDD call to select countries in the Middle East, Europe, North America, and Asia Pacific ₱6 1 day
- Sinong pwedeng gumamit ng TM Utang service?
Lahat ng TM customers ay pwedeng humiram ng emergency loan offers. Mayroon ding exclusive loan offers na available depende sa iyong eligibility. - Saan at paano mag-register sa mga emergency offer na ito?
- Via GlobeOne app
Buksan ang GlobeOne app at hanapin ang “Buy” icon sa ibaba ng screen. Siguraduhing nasa “Buy TM promos" ka at i-search ang “Loan” para lumabas ang mga Utang offers na pwede mong piliin. - Via Text
I-send lang ang keyword sa 3733. May makukuha kang confirmation message na pwede nang gamitin ang hiniram na offer. - Via *143#
Pwede ring mag-register sa *143#! Piliin lang ang “Utang,” hanapin ang gustong offer, at piliin ang “Subscribe.” - Facebook
Habang gumagamit ng Free Facebook, i-click lang ang “Buy Data” para makita ang mga offers na pwede sa’yo.
- Via GlobeOne app
- Pwede ba akong mag-register sa Utang gamit ang GlobeOne app?
Yes! Makikita ang lahat ng mga utang offers na available sa’yo sa GlobeOne app kaya siguraduhin na gamitin ang GlobeOne app para makita ang updated offer ng Utang service at iba pang exclusive offers para sa mga Ka-TeaM! - Pwede ba akong humiram kahit anong oras?
Oo! Ang TM Utang service ay available 24/7. - Ayos ‘to ah! May iba bang pwedeng i-utang? May load din ba?
Depende sa iyong eligibility, pwede ring humiram ng load up to ₱90 at promos katulad ng EasySURF! - Paano kung lumabas ako ng Pilipinas? Pwede ko rin bang gamitin ang service na ito abroad?
Ang service na ito ay hindi pwedeng gamitin sa labas ng Pilipinas. - May nakuha na akong confirmation message sa hiniram kong COMBOSOS/CALLSOS/ TXTSOS/MBSOS/IDDSOS! Paano ko iche-check ang promo balance at expiry nito?
Maaaring makita ang promo balance at expiry sa iyong dashboard sa GlobeOne app. Pwede ring i-send ang keyword na ito sa 3733 na libre:
PROMO KEYWORD COMBOSOS COMBOSOSBAL CALLSOS CALLSOSBAL TXTSOS TXTSOSBAL MBSOS MBSOSBAL IDDSOS IDDSOSBAL
Para sa ibang Utang load at promo offers, pwede ring i-dial ang *143#, piliin ang “Utang” > “Status” > “Utang Promo Status.”
- Paano ko mababayaran ang hiniram kong load o promo?
Kapag may budget na, bayaran ang utang para magamit ang service ulit sa oras ng pangangailangan, Ka-TeaM!
May dalawang paraan para magbayad.- Bumili lang ng load. Automatic na kokolektahin ang utang mula sa biniling load. May matatanggap kang text galing sa 3733 para sa transaction mo.
- Kung may sapat na load sa wallet, i-text lang ang “PAY UTANG” sa 3733 o i-dial ang *143#, piliin ang “UTANG” at hanapin ang “PAY UTANG.”
- Hindi ko ba magagamit ang aking SIM hanggang di nababayaran ang utang?
Magagamit mo pa rin ang SIM kahit na may existing loan balance ka pa, pero hindi ka makaka-utang muli hanggang mabayaran nang buo ang kasalukuyang utang. - May dagdag bang interest kung hindi ko mabayaran ang hiniram kong promo o load agad?
Huwag mag-alala dahil walang dagdag na interest kung hindi kaagad mabayaran ang promo o load na hiniram. Ang service fee ng TM Utang offers ay fixed. - Pwede ba akong humiram ulit kapag nakapagbayad na ako ng outstanding na utang?
Oo, pwede ka na ulit humiram ng available promos/load kapag nabayaran na ng buo ang iyong utang. - Pwede ba akong mag-unsubscribe sa Utang service?
I-type lang ang tamang keyword ng hiniram na promo at i-send sa 3733.
STOP <space> PROMO KEYWORD.
Halimbawa: STOP UTANG EASYSURF30 o STOP COMBOSOS