TM ArkipelaGO
May libreng bakasyon na naghihintay para sa’yo, Ka-TeaM!
Hanapin lang ang ArkipelaGO sa ilalim ng “Check These Out!” sa GlobeOne at simulan na ang adventure mo. Kumpletuhin ang missions para maka-earn ng Energy, maka-unlock ng destinations at makakuha ng raffle entries para sa chance na manalo ng libreng bakasyon at exciting prizes.
- Ano ang ArkipelaGO?
Ang ArkipelaGO ay isang game sa GlobeOne kung saan pwede mong i-explore virtually ang Pilipinas. Makakapaglaro ka rito ng mini-games, makakapagsagot ng quizzes at makaka-earn ng Energy para maka-travel sa map at mas makilala ang iba’t ibang lugar sa bansa. Pwede ka ring maka-unlock ng prizes ‘pag umangat ka sa Leaderboard at magkaroon ng chance na manalo ng libreng bakasyon sa isa sa top destinations sa Pilipinas. - May bayad ba para makalaro ng ArkipelaGO?
Libre ang ArkipelaGO sa lahat ng TM subscribers. Kaya sali na, Ka-TeaM! - Sino ang pwedeng maglaro ng ArkipelaGO?
Pwedeng maglaro ng ArkipelaGO ang subscribers na gumagamit ng kanilang TM number bilang main account sa GlobeOne app. - Saan ko mahahanap ang ArkipelaGO sa GlobeOne?
Sundin lang ang sumusunod na steps para makapagsimulang maglaro ng ArkipelaGO.
Step 1: Buksan ang GlobeOne app at hanapin ang ArkipelaGO sa ilalim ng “Check These Out!” sa dashboard. Pwede mo rin itong hanapin sa “Play” section matapos piliin ang “Essentials.”


Step 2: I-tap ang ArkipelaGO at piliin ang “Let’s Start!” para magsimula.

Step 3: Sundan ang onboarding steps para malaman kung paano maglaro.

- Ano ang ginagamit na puntos sa ArkipelaGO?
Energy ang ginagamit na puntos sa ArkipelaGO. Makakakuha ka nito sa bawat mission na matatapos mo para maka-unlock ng iba’t ibang destinasyon at makausad sa island-hopping adventure mo.

- Paano ako makakakuha ng Energy?
Makakakuha ka ng Energy kapag bumili ka ng promo o load, sumagot ka ng Daily Quizzes, nakatapos ka ng quiz streaks, naglaro ka ng Mini Games, nag-convert ka ng Gokens, nakakuha ka ng successful referrals o nanalo ka ng Leaderboard prizes. Kung bibili ka ng load o promo, lahat ng payment method ay pwede sa pag-earn ng Energy maliban sa Charge to Own Load option.


- Kailan ko makukuha ang Energy ko pagkatapos mag-transact?
Automatic mong makukuha ang Energy mo ‘pag successful na ang transaction sa GlobeOne. Agad nitong babawasan ang natitirang distance na kailangan mo para makarating sa susunod na destination. - Bakit hindi ko makita ang naipon kong Energy?
Automatic na ginagamit ng avatar mo ang Energy para umusad sa ArkipelaGO. Ang bawat 1 Energy ay katumbas ng 1 kilometer at makikita sa progress bar kung gaano ka na kalapit sa susunod na destination mula Point A hanggang Point B. - Paano ako makakapag-unlock ng destinations sa ArkipelaGO?
Gamitin ang Energy mo para umusad at mag-unlock ng bagong mga lugar. - Ano ang mangyayari pag naka-unlock ako ng bagong destination?
Mae-enjoy mo ang iba’t ibang content tungkol sa destination tulad ng cultural facts, tourist spots, local food at delicacies. Makakakuha ka rin ng additional raffle entry para sa Grand Draw at makakapag-unlock ka ng bagong avatar style.

- Nag-eexpire ba ang Energy?
Hindi. Automatic itong ginagamit para umusad ka mula Point A hanggang Point B at makikita ang progress mo sa progress bar. - Nag-eexpire ba ang Rewards Points mula sa Mini Game o Event Leaderboard?
Oo. Ang 10 Rewards Points na makukuha mo ay valid for 30 days mula nang ma-credit sa account mo. - Nag-eexpire ba ang Grand Draw raffle entries?
Oo. Valid lang ang Grand Draw raffle entries para sa applicable promo period at hindi ito pwedeng ma-carry over sa susunod na promo period.
Isa ka ba sa mga swerteng nanalo sa TM ArkipelaGO? Abangan ang Grand Draw schedule, prize at list of winners dito. May isang TM winner sa bawat Grand Draw, kaya i-check na ang exciting trips na pwedeng mapanalunan!
| DRAW SCHEDULE | PROMO PERIOD | PRIZE | WINNER |
|---|---|---|---|
| Raffle Draw: October 1, 2026 Winner Announcement: October 4, 2026 |
July 1–September 30, 2026 | Trip for 2 to Boracay worth ₱86,000 | Jhim Jhim Delos Santos, Camarines Norte |
| Raffle Draw: January 6, 2027 Winner Announcement: January 10, 2027 |
October 1–December 31, 2026 | Trip for 2 to Cebu worth ₱86,000 | Abangan, Ka-TeaM! |
| Raffle Draw: February 3, 2027 Winner Announcement: February 7, 2027 |
January 1–31, 2027 | Trip for 2 to Coron worth ₱86,000 | Abangan, Ka-TeaM! |




