Bayanihan SIM
Mas marami nang Pilipino ang makakakonekta sa buong bansa with free internet access na hatid ng Bayanihan SIM Program ng DICT. Alamin kung paano nito tinutulungan ang selected beneficiaries na maging mas digitally empowered.
FAQS
Powered by TM, may libreng monthly data ang selected beneficiaries para mas EZ nang makakuha ng data pang-internet. I-check na ang mga detalye tungkol sa pagkuha at paggamit ng Bayanihan SIM mo.
- Ano ang Bayanihan SIMs?
Ang Bayanihan SIM ay bahagi ng Free Internet Program ng DICT (Department of Information and Communications Technology.) Isa itong digital empowerment project na ang layunin ay i-connect ang lahat ng mga Pilipino sa buong bansa sa pamamagitan ng libreng internet access. Sineserbisyuhan nito ang mga piling pampublikong lugar sa ilalim ng Republic Act No. 10929 o mas kilala bilang “Free Internet Access in Public Places Act.” - Sino ang beneficiaries ng Bayanihan SIMs?
A. DepEd (Department of Education)
Ang beneficiaries ng SIM na ito ay ang mga mag-aaral na kasalukuyang naka-enroll o papasok pa lamang sa paaralan. Kabilang din dito ang mga kawani ng paaralan gaya ng mga guro, punong-guro at iba pang staff sa administrasyon na nakatira sa loob ng 500 metro hanggang isang kilometro mula sa lebel ng paaralan. Mga paaralang itinuturing na nangangailangan ng SIM card ayon sa DepEd. - Pwede ba akong bumili ng Bayanihan SIMs o humingi ng karagdagang SIM?
Hindi ito pwedeng gawin. Ang mga Bayanihan SIM ay nakalaan lamang para sa qualified beneficiaries.- Saklaw lang nito ang mga estudyante at guro sa lugar na napili ng DICT at iba pang itinalagang sektor.
- Hindi ito libre para sa lahat. Tanging ang nasa listahang kwalipikado ang makatatanggap.
- Sino ang responsable sa pagrerehistro ng SIM?
Responsibilidad ng beneficiaries ang pagpaparehistro ng SIMs. Para sa beneficiaries na menor de edad, sang ayon sa batas, kailangan ang mga magulang or legal guardians nila and dapat magparehistro ng SIMs. - Ano ang mga valid IDs na tatanggapin para sa SIM Registration?
- Passport
- SSS ID
- Driver’s License
- NBI Clearance
- PRC ID
- IBP ID
- OWWA ID
- BIR ID
- Senior Citizen ID
- UMID Card
- Philhealth ID
- Philippine Identification (National ID)
- Voter’s ID
- Hindi tinatanggap ng registration ang ID ko. Ano ang pwede ko gawin?
A. Gumamit ng ibang valid ID.
B. Kapag nakakuha ng error prompt na “Ang mga detalye na iyong inilagay at ang ID ay hindi tumugma,” pakisubukan muli at tingnan ang sumusunod na dapat gawin upang magpatuloy.
- Kapag kukuha ng selfie, siguraduhing nasa maliwanag na lugar ka na may plain na background. Alisin ang anumang accessories gaya ng salamin, humarap sa camera at ngumiti.
- Kapag nag-a-upload ng harapang bahagi ng government ID mo, siguraduhing malinaw ang ilaw at mababasa nang maayos ang mga detalye. Hindi tatanggapin ang mga expired na ID.
- Suriin ang mga personal na impormasyong inilagay sa aming system upang matiyak na tumutugma ang mga ito sa mga detalyeng nakasaad sa iyong in-upload na government ID.
- Wala akong valid ID. Paano ako magre-register?
Kailangan ng valid government ID para ma-register ang SIM mo. - Ano ang magagawa ko sa Bayanihan SIM? Ano ang mga kasama nito?
Ang Bayanihan SIM ay pinapagana ng TM. Pwede mo itong gamitin tulad ng isang regular na TM SIM at mayroon kang libreng 25 GB kada buwan sa loob ng 12 months. - Pwede ba akong tumawag at magpadala ng text? Paano?
Pwede kang mag-load at mag-register sa anumang TM call o text promo para makapag padala ng text o makatawag sa suking tindahan mo or gamit ang Globe One App. - Saan ko magagamit ang 25 GB na freebie?
Ang 25 GB na freebie ay open access at pwedeng gamitin sa lahat ng sites at application tulad ng Viber, WhatsApp, Facebook, Instagram at iba pa. - Maibabahagi ba ang freebie? Naipapasa? Naie-extend?
Hindi pwedeng ipasa or i-extend ang freebie. - Maililipat ba ang pagmamay-ari ng SIM?
Hindi. Ito ay para lang sa paggamit ng beneficiaries ng Bayanihan SIM na naka-rehistro sa SIM Card Registration Process. - May expiry o validity ba ang libreng data?
Oo. Matatanggap mo ang free 25 GB data after successful SIM Registration. Ito ay ibinibigay buwan-buwan, tuwing unang araw ng buwan, sa loob ng isang taon. Ang 25 GB data na matatanggap mo bawat buwan ay valid hanggang end of the month lamang. Hindi ito nagro-rollover at hindi naipon. Makakatanggap ka ng panibagong 25 GB sa susunod na buwan. - Kailan ko matatanggap ang 25 GB at automatic ba itong ilalagay sa SIM ko?
Nagre-refresh ang data tuwing simula ng buwan at walang data rollover. Makakatanggap ang mga subscriber ng SMS advisory kapag nag-refresh ang data at ang libreng 25 GB ay ibibigay kada buwan sa loob ng isang taon. - Paano kung naubos ko ang 25 GB data? Pwede ba akong mag-register sa mga promo ng TM?
Uunahin munang ubusin ng mga subscriber ang 25 GB na libreng data. Kapag naubos na ito, automatic gagamitin ng system ang anumang active promo kung naka-subscribe. Kung maubusan ng libreng data ang isang user bago ang susunod na refresh, kailangan nilang mag-subscribe sa any data promo para patuloy na makagamit ng internet services. Pwedeng mag-avail ng mga promo sa pamamagitan ng USSD, GlobeOne app o SMS. - Paano ko bang ma-check ang natitirang data?
Pwedeng ma-check ng mga subscriber ang kanilang natitirang data sa pamamagitan ng USSD code (*143#), GlobeOne app o SMS. - Kailangan ko bang mag-load sa SIM para hindi ito mag-expire? Gaano kadalas?
Oo, kailangan mong mag-load sa SIM para hindi ito mag-expire. Susundin ng Bayanihan SIM ang expiry katulad ng isang regular Globe Prepaid SIM. - Ano ang mangyayari kung nawala o depektibo ang SIM?
Kung nawala o depektibo ang SIM, pumunta sa pinakamalapit na eskwelahan or tanggapan ng Dep Ed para ma-endorse at approve ng DICT Regional Office.
Mga dapat na dalahin:- Defective SIM: lumang SIM card at valid ID
- Lost/Stolen SIM: affidavit of loss at valid ID
- Kung nakaranas ako ng problema sa serbisyo, sino ang kokontakin ko?
Pwede kayong kumontak or mag report sa TM customer service via Facebook Messenger at GlobeOne App. - Hindi ako makapag-browse. Ano ang pwede kong gawin?
Pwede kayong mag-report sa TM customer service via Facebook Messenger at GlobeOne App. - Ano ang mangyayari sa aking Bayanihan SIM (powered by TM)?
Pagkatapos ng 12 buwan na seeding mula sa DICT’s Bayanihan SIM, magiging regular TM SIM user ka na. Standard TM SIM rules and policies pa rin ang susundin. - Paano ko malalaman na gumagamit ako ng Bayanihan SIM?
Makikita mo ito sa SIM pouch na i-aabot sayo. Pwede mo ring makita ang Bayanihan SIM mo via GlobeOne. - Paano kung wala akong magulang/tagapag-alaga kasama sa event?
Pwedeng ibigay sa magulang or legal guardian mo ang Bayanihan SIM card para i-register ang SIM card on behalf of the minor beneficiary. - Paano kung hindi ko narehistro ang aking SIM sa susunod na tatlong araw?
Pansamantalang made-deactivate ang outgoing services mo at kailangan mong humanap ng WiFi para ma-register ang SIM mo pagkatapos ng ikatlong araw.
B. DSWD (Department of Social Welfare and Development)
Mga sambahayan na kasali sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o iba pang programang panlipunan na naninirahan, nagtatrabaho o nag-aaral sa loob ng 500 metro hanggang isang kilometro ng nasasakupang lugar