1. Ano ang TM EasyPLAN?
    Ang TM EasyPLAN ay ang prepaid plan para sa TM customers na naghahanap ng walang hassle na 24/7 all-in connectivity. Walang hassle ng paulit-ulit na paglo-load dahil pwedeng magbayad lang ng 2x kada-buwan (every 15 days with TMEP150), o pwede ring minsan (1x) lang sa isang buwan (every 30 days with TMEP300). Wala ring hassle sa requirements! Load lang ang kailangan

  2. Anu-ano ang services na kasama sa TM Easy Plan?
    Sa TM Easy Plan, pwede mong i-enjoy ang mga sumusunod
    • Unlimited calls sa TM/Globe
    • Unlimited texts to all networks
    • For TMEP150: 4.5 GB para sa Instagram, FB, at Viber (1.5 GB per app) valid for 15 days
    • For TMEP300: 9 GB para sa Instagram, FB, at Viber (3 GB per app) valid for 30 days

  3. Kailangan ko bang mag-apply para makapag-subscribe sa plan? Paano mag-subscribe?
    Walang required na application sa TM EasyPLAN! I-dial lang ang *143#, piliin ang TM EasyPLAN > TM EasyPLAN 150 (15 days) o TM EasyPLAN 300 (30 days) para mag-subscribe. Pwede ring i-text ang TMEP150 o TMEP300 sa 8080.

  4. Magkano ang subscription fee at paano ako pwedeng magbayad?
    P150 ang bayad para sa 15 days na EasyPLAN services at P300 naman para sa 30 days. Upang magbayad ng subscription, magpaload lang ng sapat (P150 o P300) sa iyong suking tindahan, at sundin ang steps sa pag-subscribe.

  5. Paano mag-renew o gawing tuluy-tuloy ang subscription?
    Sundan lamang ang parehong steps sa pag-subscribe upang mag-renew (Dial *143# or text keywords to 8080).
    Tinatanggap din ang mga advance renewal o payment bago pa ang end-date ng current subscription, upang ma-extend pa ang iyong services ng 15 o 30 na araw pagkalipas ng unang inaasahang end-date.
    Example:
    Subscribed to TMEP150 on Jan 1 → Expected subscription end-date: Jan 15
    Renewed or Paid another TMEP150 in advance on Jan 2 → Expected subscription end-date extends 15 more days: Jan 30

  6. Paano ko pwedeng malaman ang end-date ng aking subscription??
    Para malaman ang status ng iyong plan, i-text lamang ang TMEP STATUS sa 8080. Makikita rin dito ang natitira mong data para sa Instagram, FB, at Viber.

  7. Mayroon akong Globe Prepaid SIM. Pwede ba akong mag-subscribe sa TM EasyPLAN?
    Tanging mga TM customers lang ang pwedeng mag-register sa TM EasyPLAN sa ngayon.

  8. Makakatanggap ba ako ng bill kada-15 days o sa katapusan ng bawat buwan?
    Hindi. Kapag naka-EasyPLAN, hindi mo na kailangang mag-alala tungkol sa bill. Abangan lang ang mga SMS reminder para sa pag-renew ng subscription para tuluy-tuloy ang all-in services mo.

  9. Paano kung hindi ako nakapagbayad/renew on-time?
    Kapag hindi nakapagbayad bago ang araw o sa araw ng end-date ng iyong subscription, pansamantalang mapuputol ang mga serbisyong natatanggap mo mula sa EasyPLAN. Pwede pa rin namang tumawag, mag-text, o mag-data kung registered ka sa ibang mga TM promo o kung may load pang natitira.

  10. Kung tumigil na ang aking services, paano ko ito pwedeng ibalik?
    Pwedeng ibalik ang iyong EasyPLAN subscription anytime. Sundan lamang ang parehong steps ng pag-subscribe upang makapagbayad ulit ng P150 for 15 days o P300 for 30 days.

  11. Kung gusto kong itigil ang aking subscription, mayroon bang cancellation fee?
    Walang fees na kailangang bayaran kung gusto mo nang itigil ang iyong EasyPLAN. I-text lang ang TMEP STOP to 8080, o pwede rin namang hintayin lang ang end-date ng iyong subscription.

  12. Paano ako pwedeng mag-avail ng rewards sa TM EasyPLAN?
    Patuloy kang makakatanggap ng rewards habang subscribed sa EasyPLAN. Impormasyon tungkol sa ibang special rewards ay matatanggap na lamang habang patuloy na naka-subscribe sa EasyPLAN.

  13. Kung naka EasyPLAN ako, pwede pa rin ba akong mag-register sa ibang TM promos?
    Oo naman! Kung bitin pa sa data, pwede ring mag-register sa EasySURF o EasyWATCH.

  14. Kailangan ko ba ng maintaining balance para magamit ang services na kasama sa EasyPLAN?
    Hindi kailangan ng maintaining balance para magamit ang services na kasama sa EasyPLAN. Pero tulad ng sa karaniwan na SIM, kailangan ang maintaining balance para maiwasan na mag-expire ang SIM card na iyong gamit.

  15. Bumili ako ng TM Easy Plan SIM noon. Pwede ko pa rin ba itong gamitin sa pag-subscribe sa all-new TM EasyPLAN?
    Oo naman! Ang dating TM Easy Plan SIM ay considered pa rin na TM SIM kaya naman pwede pa ring mag-subscribe sa all-new EasyPLAN at sa ibang mga TM promos.