TM SurfAlert

TM FunRewards

 

Gusto mo ba ng free vouchers, Rewards Points at marami pang ibang exciting promos?
Laro na sa TM FunRewards via GlobeOne app para sa chance na manalo, Ka-TeaM!

  1. Ano ang TM FunRewards?
    Ang TM FunRewards ay isang programa kung saan pwede kang manalo ng instant prizes habang naglalaro sa phone via GlobeOne app na madali mong mada-download dito.

  2. Sino ang pwedeng sumali sa TM FunRewards?
    Kasali ang lahat ng ka-TeaM at pwedeng maglaro ng isang free game mula sa anumang category (Instant Rewards & Top Leaderboard Rewards Games) kada araw.

  3. Dapat bang naka-register ang TM number ko sa GlobeOne app para sumali sa TM FunRewards?
    Yes, kailangan mong i-register ang TM number mo sa GlobeOne app.

  4. Paano maglaro at sumali sa TM FunRewards?
    Sundin lang ang sumusunod na steps, Ka-TeaM!

    STEP 1: Siguraduhing naka-register ang TM number mo sa GlobeOne app.

    STEP 2: Buksan ang TM FunRewards sa GlobeOne app.


    STEP 3: Mag-set ng username at pumili ng isang game para laruin.


    Maglaro at manalo araw-araw! Hintayin ang text na nagsasabing natanggap mo na ang premyo mo. Magre-reflect din ito sa GlobeOne account mo sa loob ng ilang minuto. Pagka-receive mo nito, i-press ang Share button para ma-post sa social media accounts mo ang TM FunRewards experience mo at ma-invite ang pamilya’t barkada mo para makalaro rin sila!

    Pwede mong i-view ang napanalunan mong prizes sa GlobeOne app.



    Para makakuha ng additional playing tickets, mag-register sa promo o bumili ng load na at least ₱20. Pwedeng magbayad gamit ang GCash, Credit, Debit Card, E-Wallet o Bank Transfer. Pag mas malaki ang top-up, mas marami rin ang makukuhang playing tickets!

    Note: TM promos na ₱20 at pataas lang na galing sa GlobeOne app ang pwedeng i-avail para maka-collect ng mas maraming playing tickets. Hindi kasama ang Loans.


  5. Anu-ano ang games na pwede kong salihan?
    Marami kaming inihanda para sayo, Ka-TeaM! Excited ka na bang maglaro? Alamin ang iba’t ibang games sa ibaba.

    NAME GAME TYPE MECHANICS
    Spin A Wheel Instant Rewards Game I-spin ang roleta para sa chance na manalo ng instant prizes!
    Color Game Instant Rewards Game Pumili ng isang kulay. Pag nag-match ang isang napiling kulay, panalo!
    Ano Yarn?! Top Leaderboard Rewards Game Pumili ng category at hulaan sa loob ng 30 seconds ang word gamit ang clues o images. Pag mas mabilis ang paghula at mas maraming nahulaan, mas mataas rin ang score mo.
    Note: Ang Top 5 kada linggo lang  ang mananalo ng 10 Rewards Points. 
    Mano-notify ang winners sa cut-off date weekly (7th day of the week, 11:59 p.m.).
    Tap Tap Top Leaderboard Rewards Game Pabilisan sa pag-tap at pag-collect ng coins sa loob ng 30 seconds.
    Note: Ang Top 5 kada linggo lang  ang mananalo ng 10 Rewards Points. 
     Mano-notify ang winners sa cut-off date weekly (7th day of the week, 11:59 p.m.).

    8:00 p.m. - 9:00 p.m. ang playing time kada araw.


PLAYING TICKET FAQs

  1. Paano sumali sa TM FunRewards?
    Bawat araw, meron kang isang FREE Playing Ticket na maaring gamitin sa anumang available na TM FunRewards Game. Pero pwede mong dagdagan ang playing ticket mo pag bumili ka ng load o promo sa GlobeOne! Mag-avail gamit ang GCash, Credit, Debit Card, E-Wallet o Bank Transfer.

    TICKET TYPE HOW TO EARN EXPIRY
    Free Playing Ticket Automatic na mase-send sa GlobeOne account mo 12 midnight ng susunod na araw
    Earned Playing Ticket Via load o promo top-up (minimum spend of ₱20 required) 30 days mula sa unang araw ng top-up

  2. Ilang playing tickets ang makukuha ko via load o promo top-up?
    I-check ang guide sa baba para malaman kung ilang playing tickets ang makukuha mo per load o promo.

    PROMO/LOAD DENOMINATION PLAYING TICKETS
    ₱20-₱49 1 playing ticket
    ₱50-₱89 3 playing tickets
    ₱90-₱149 5 playing tickets
    ₱150 pataas 10 playing tickets

    Note: Hindi ka makakakuha ng additional playing ticket kung ang load o promo mo ay below ₱20. TM promos na ₱20 at pataas lang na galing sa GlobeOne app ang pwedeng i-avail para maka-collect ng mas maraming playing tickets. Hindi included ang Loans.

  3. Ilang beses ako pwedeng makakuha ng playing tickets via load/promo top-up?
    Walang limit sa bilang ng playing tickets na pwede mong makuha, Ka-TeaM!

  4. Makakakuha ba ako ng playing ticket pag mag-load o mag-register ako sa promo sa ibang paraan (SMS, GCash, etc.)?
    Hindi, magkakaroon ka lang ng additional playing ticket kung sa GlobeOne ka mag-load o mag-register.

  5. Paano ko malalaman kung ilan ang total playing tickets ko?
    Makikita mo ito sa upper left ng TM FunRewards map screen sa GlobeOne app (red ticket icon at plus sign button sa baba ng username).

  6. Pag hindi ko nagamit ang FREE 1 Playing Ticket ngayong araw, pwede ko pa bang gamitin ito bukas?
    Hindi, pwede lang gamitin hanggang 11:59 p.m. ang FREE 1 Playing Ticket. Pagsapit ng 12 a.m., mag-e-expire ang ticket mo at makakakuha ka ng panibago.

  7. Hanggang kailan ko pwedeng gamitin ang playing tickets na nakuha ko via load o promo top-up?
    Magagamit lang sila sa loob ng 30 days mula sa araw ng top-up. Halimbawa, kung nag-load o register ka sa promo last September 20, ang nakuha mong playing ticket/s dito ay magagamit lang hanggang October 19.

  8. Pwede ko bang gamitin ang lahat ng Playing Tickets ko (Free at Earned) sa loob ng isang araw?
    Hanggang 5 playing tickets lang ang pwedeng gamitin sa anumang TM FunRewards Game sa loob ng isang araw, kasama ang FREE 1 playing ticket. Kung may matitira sa earned playing ticket mo, maaari mo pa rin itong magamit sa susunod na araw.

PRIZE FAQs

  1. Paano ko malalaman kung nanalo ako?
    Sa Spin a Wheel at Color Game, ipapakita agad sa screen after every game kung nanalo ka o hindi. Sa Ano Yarn?! at Tap Tap Game naman, makikita mo ang username mo sa leaderboard kada game cut-off.

  2. Anu-ano ang prizes na pwede kong mapanalunan sa TM FunRewards Games?
    Ito ang exciting prizes na pwede mong mapanalunan sa TM FunRewards games:

    NAME GAME TYPE PRIZES
    Spin A Wheel Instant Rewards Game
    1. Data Promos
    2. Rewards Points
    3. Vouchers
    Color Game Instant Rewards Game
    1. Rewards Points
    2. Vouchers
    no Yarn?! Top Leaderboard Rewards Game Rewards Points
    Tap Tap Top Leaderboard Rewards Game Rewards Points

  3. Woohoo, nanalo ako sa TM FunRewards Games! Paano ko makukuha ang prizes ko, at hanggang kailan ko siya magagamit?
    Congrats, ka-TeaM! Alamin kung paano mo mare-redeem ang prize mo at ang validity nito sa ibaba.

    PRIZES HOW TO REDEEM/RECEIVE PRIZES VALIDITY
    Data Promos
    1. Ipapadala namin agad ang data promo sa registered TM number mo.
    2. Pwede mong buksan ang GlobeOne App Dashboard para i-check ito.
    3. Makakatanggap ka rin ng text mula sa 8080 para ma-confirm na naipadala na namin ang data promo.
    Tatlong araw mula nang na-receive mo ang prize mo
    Voucher
    1. Ipapadala namin agad ang voucher sa registered TM number mo.
    2. Pwede mong buksan ang GlobeOne app mo at i-click ang View Voucher Wallet. Makikita mo ito sa Games category.
    3. I-click ang voucher para makita ang step-by-step process sa pag-redeem/paggamit nito sa app, website o store ng partner. Makikita mo rin dito ang Terms and Conditions at validity period ng voucher.
    Makikita ang voucher validity sa GlobeOne voucher wallet mo
    Rewards Points
    1. Ipapadala namin agad ang Rewards Points sa registered TM number mo.
    2. Pwede mong buksan ang GlobeOne App Dashboard o Redeem Rewards mo page para i-check ito.
    3. Pwede mong gamitin ang points mo para mag-redeem ng food, shopping, gaming at iba pang vouchers sa GlobeOne app.
    Makikita ang points expiry sa GlobeOne app Dashboard mo

  4. Hindi ko natanggap o hindi nag-reflect ang prizes o playing tickets sa account ko. Anong gagawin ko?
    Maghintay ng ilang minuto bago i-check ang napanalunan mong prizes o earned playing tickets sa GlobeOne app. Pwede mo rin subukang i-restart ang app mo para ma-refresh ito.

    Kung hindi mo pa rin nakuha ang prizes o playing tickets mo within the day, pwede mo itong i-report sa Help Center, na makikita sa dashboard ng GlobeOne app. Pwede mo rin kaming i-chat sa official account ng TM Tambayan via Facebook Messenger para sa karagdagang tulong. 



    NOTE: Hindi pwedeng i-return o exchange ang na-redeem na instant prizes at mafo-forfeit ang unredeemed prizes na lampas ng kanilang validity period in favor of TM.

IBA PANG PAWER PROMOS



ALL-NET SURF 20
ALL-NET SURF 20



EASYSURF


DIGITAL EXCLUSIVES
DIGITAL EXCLUSIVES


G KA RIN SA TM TAMBAYAN ONLINE PARA TULUY-TULOY ANG GV