- Paano mag-register sa GCash?
Via App:- Step 1. I-download ang GCash App sa Google Play Store o Apple App Store.
- Step 2. Mag-log in sa app gamit ang mobile number mo.
- Step 3. Kumpletuhin ang personal details mo sa susunod na screen.
- Step 4. Pumunta sa settings at palitan ang MPIN mo. Mahalagang palitan at i-secure ang iyong MPIN dahil ito ang magsisilbing password ng GCash account mo.
- Step 5. Antayin ang SMS confirmation.
- Via Messenger:
- Step 1. Buksan ang Messenger App at hanapin sa search box ang @gcashofficial.
- Step 2. I-click and "Get Started" at i-select and "Continue" para masimulan ang pag-register.
- Step 3. I-type ang iyong mobile number at i-select ang "Continue"
- Step 4. I-type ang makukuhang verification code via SMS.
- Step 5. Siguraduhing tama ang iyong personal details at huwag kakalimutan ang MPIN.
- Anu-anong services ang available sa GCash?
a. Buy Load: Mag-load gamit ang GCash para makakuha ng 5% rebate sa bawat transaction.- Step 1. Mag-log in sa GCash App at piliin ang “Buy Load.”
- Step 2. I-type ang mobile number o pumili sa contact list.
- Step 3. I-type ang amount o mamili sa load promos gaya ng All-in 40, TM SURF 70, EasySURF99 at iba pa.
- Step 4. I-tap ang “Confirm” button.
- b. Pay Bills: Mag-bayad ng bills gamit ang GCash para makaiwas sa pila.
- Step 1. Mag-log in sa GCash App at piliin ang “Pay Bills.”
- Step 2. Piliin ang biller na kailangan bayaran.
- Step 3. Ilagay ang mga detalye ng bill mo.
- Step 4. I-tap ang “Confirm” button.
- c. Send Money: Magpadala ng pera for FREE sa mga kapamilya at kaibigan. Ang Send Money feature ay available lamang sa recipients na may GCash account. Bago magpadala, siguraduhin na may sapat na balance ang iyong account.
- Step 1. Mag-log in sa GCash App at piliin ang “Send Money.”
- Step 2. I-type ang mobile number na tatanggap ng pera o pumili sa contact list.
- Step 3. I-type ang amount.
- Step 4. I-tap ang “Confirm” button.
- d. Shop Online: Gamitin ang GCash Mastercard para mag-online shopping.
- Step 1. Bumisita sa paboritong online shopping website.
- Step 2. Piliin ang produktong bibilhin.
- Step 3. Kapag handa nang magbayad, ilagay ang mga detalye ng GCash Mastercard mo sa payment section.
Alamin kung paano mag-apply ng GCash Mastercard. - Step 4. I-confirm ang payment mo.
- Paano magpasok ng pera sa GCash account (cash-in) mo?
- Step 1. Bumisita sa 7-Eleven, Puregold, Palawan Express o alinman sa 10,000+GCash outlets.
- Step 2. I-inform ang authorized representative na magka-cash in ka.
- Step 3. Sagutan ang GCash Service Form. Ilagay ang GCash-registered mobile number mo at ang desired amount.
- Step 4. Maghanda ng valid government-issued ID kasama ng bayad mo.
- Step 5. Hintayin ang SMS confirmation na natanggap mo na ang amount bago umalis ng outlet.
- Maaari ring mag cash-in sa mga sumusunod na GCash Partner Outlets:
- Cebuana Lhuillier
- Villarica
- Tambunting
- Bayad Center
- ECPay
- ExpressPay
- DigiPay
- SM Department Stores
- Robinsons Department Stores
- TouchPay Machines
- Kung may bank account ka, i-link ito sa GCash para mapadali ang cash-in!
- Step 1. Mag-log in sa GCash App at piliin ang “Cash-In.”
- Step 2. I-select ang “Online Banking” at piliin ang bank account na naka-link sa GCash App mo. Maaari mong i-link ang BPI, RCBC, UnionBank o iba pang MasterCard o Visa Debit Card mo.
- Step 3. I-type ang amount na ita-transfer sa GCash account mo.
- Step 4. I-confirm ang transaction.