TM Mobile Number Portability
‘Di mo na kailangan magpalit ng number para sa pawer experiences. Basta sa TM Network, pawer ‘yarn!
‘Di mo na kailangan mag-palit ng number para maging Ka-TM! Here’s how!
Mag-order ng bagong TM Mobile Number Portability (MNP) SIM
STEP 1: Pumunta sa Port Number page na ito at i-enter ang non-Globe/non-TM number mo.
STEP 2: Sagutan ang customer information form.
STEP 3: Siguraduhin na meron kang valid na 9-digit Unique Subscriber Code (USC) na galing sa iyong existing network provider.
STEP 4: I-confirm ang free SIM order mo.
STEP 5: Makakakuha ka ng confirmation message sa loob ng 48 hours kung approved ang request mo. Kapag approved, makakatanggap ka ng SIM delivery details at Porting Code na gagamitin mo para i-activate ang TM MNP SIM mo.
I-activate ang bagong TM MNP SIM mo
STEP 1: I-insert ang TM MNP SIM mo.
STEP 2: Sa SIM menu, piliin ang Port In at Online Request.
STEP 3: I-enter ang non-Globe/non-TM number mo.
STEP 4: I-enter ang 6-digit Porting Code mo.
STEP 5: I-restart ang phone mo. Magiging TM ang signal mo sa loob ng 4 hours.
- Ano ang Mobile Number Portability (MNP)?
Ang Mobile Number Portability (MNP) ay isang proseso kung saan pwedeng lumipat ang isang customer sa ibang mobile network provider o subscription mula prepaid to postpaid (vice versa) nang hindi pinapalitan ang current mobile number. - Para saan ang Mobile Number Portability?
Itinataguyod ng MNP ang kapakanan ng mga customer. Makakapili ang mga customers ng service provider o subscription base sa kalidad, presyo at iba pang kadahilanan nang hindi nagpapalit ng current mobile number. - Paano ako makakapag-switch sa Globe Prepaid/TM?
Pwede kang mag-switch ng current number mo sa Globe Prepaid/TM sa pamamagitan ng steps na ito:- Ihanda ang mga requirements.
Siguraduhing wala na sa kontrata ang active/current number mo at meron kang valid na 9-digit Unique Subscriber Code (USC) na galing sa iyong existing network provider. - Mag-fill out ng application form.
Siguraduhing kumpleto at tama ang mga detalye na ilalagay sa form. Pagkatapos nito, makakakuha ka ng confirmation message sa loob ng 48 hours kung approved ang iyong request. - Hintayin ang iyong Globe Prepaid/TM MNP SIM.
Kapag approved ang iyong request, ipapadala ng Globe ang free MNP SIM mo sa loob ng 2-3 days (NCR) or 5-7 days (outside NCR). - I-activate ang iyong Globe Prepaid/TM MNP SIM.
I-enter ang 6-digit Prepaid Porting Code sa bagong mong MNP SIM. I-download ang GlobeOne app para sa mga Globe Prepaid at TM offers!
- Ihanda ang mga requirements.
- Ano ang requirements para makapag-switch ako?
Siguraduhing wala na sa kontrata ang active/current number mo. Gamit ito, i-text ang USC sa 5050 para makuha ang Unique Subscriber Code (USC) mo. - May bayad ba ang porting request?
Libre ang pag-switch sa Globe Prepaid o TM ayon sa Republic Act 11202. - Ano ang Unique Subscriber Code o USC?
Ang Unique Subscriber Code (USC) ay 9-digit code na magsasabi kung pwedeng kang mag-switch sa Globe Prepaid o TM. Gamit ang current number mo, i-text ang USC sa 5050 para makuha ang code mo. - Kailangan ko ba ng bagong SIM para makapag-switch?
Oo, kailangan ng bagong MNP SIM para makapag-switch sa Globe Prepaid/TM. - Saan ako pwede kumuha ng Globe Prepaid/TM MNP SIM?
Pwede kang mag-order ng Globe Prepaid/TM MNP SIM sa Globe Online Shop. Ipapadala ng Globe ang SIM mo kapag approved ang application mo. - Paano ko malalaman ang status ng application ko?
Pwede mo i-track ang switching application mo. Pumunta lang sa Track My Order page at i-enter ang Reference Number (GLE-XXXXX) at email address mo. - Gaano kadalas ako pwede mag-switch?
Ayon sa batas, kailangan maghintay ng 60 days bago gumawa ng panibagong porting request. - Paano makakuha ng Prepaid Porting Code?
Matatanggap mo ang Prepaid Porting Code via text at email kapag na-approve ang iyong application. - Paano i-activate ang Globe Prepaid/TM MNP SIM? Gaano katagal bago ma-activate ang SIM?
I-enter ang 6-digit Prepaid Porting Code mo gamit ang bagong MNP SIM mo. Ma-a-activate ang SIM at magpapalit ang signal mo sa loob ng apat na oras. - Ano ang mga criteria para makapag-switch sa Globe Prepaid/TM?
Pwede ka mag-switch sa Globe Prepaid/TM kapag na-meet ng mobile number mo ang sumusunod na criteria:- Active
- Hindi parte ng anumang bundled service o product
- Walang pending request para sa pagpalit ng ownership
- Walang ibang account sa ilalim ng subscription
- Walang porting request sa loob ng 60 na araw
- Walang record ng fraudulent activity
- Walang remaining balance sa dating postpaid bill o ibang financial obligation
- Hindi naka-link sa device na naka-lock
- Hindi kasama sa anumang prohibition ng NTC, korte o batas
- Meron bang fees involved sa switching?
Free of charge ang pag-switch to Globe Prepaid/TM. - Anong mangyayari sa existing services kapag lumipat ako sa ibang network?
Maliban sa GCash, mawawala ang existing services mo kapag nag-switch ka na sa Globe Prepaid/TM. - Paano ko malalaman kung ang address ko ay serviceable para sa SIM delivery?
Pwede mong malaman kung serviceable ang address mo sa switching application. Tatawagan o i-te-text ka ng ating mga courier partners kapag ready for delivery na ang SIM mo.