TM 5G Sim

 

Ang bagong TM SIM ay LTE at 5G-Ready na, may SULIT freebies pa! Free up to 10 GB data + 10 TM Rewards points + P10 GCash Credits + 30 minutes calls and unli texts to ALL networks!

 

ALAMIN ANG BAGONG TM 5G-READY SIM

 

  1. Ano ang bagong TM 5G-Ready Sim?
    Ito ay ang parehong TM 4G/LTE sim na ngayon ay mas pinalakas na dahil 5G-ready na rin ito! Sa bagong sim na ito, magiging handa na kayo pag dumating na ang 5G signal sa inyong area, provided na 5G na device din ang gamit niyo.
  2. Ano ang mga freebies ng TM 5G-Ready Sim?

    WELCOME FREEBIE

    • Ang mas pinagandang Welcome SIM Sampler ay may:
      • 400 MB na FunAliw Pack daily (6 GB total) 
      • Unli text at 30 minutes na calls to ALL NETWORKS
      • Valid for 15 days
    • Ang FunAliw Pack ay magagamit sa mga sumusunod na app or sites:
      • Facebook
      • Youtube
      • Mobile Legends
      • Tiktok
      • WeSing
    • Para i-claim ang welcome freebie, i-text ang FREEFUNALIW sa 8080.
    • Hintayin ang text confirmation.

    NEW GLOBEONE APP

    • Kapag nag-download ka ng New GlobeOne app at successful ang iyong pag-sign up, makakakuha ka ng free 1 GB FunAliw Pack na valid for 7 days at bonus 10 TM Rewards points.
    • Makukuha mo agad ang iyong free FunAliw Pack, pero ibibigay ang iyong TM Rewards points within 7 working days mula sa pag-download ng New GlobeOne app at pagsign-up dito.
    • Hintayin ang text confirmation.

    GCASH APP

    • Makakakuha ka ng P10 GCash credit kapag nag-download ka ng GCash app, bumili ng load worth P50 o higit pa, at mag-register sa kahit aling promo (within 90 days from the date of SIM activation) gamit ang GCash app.
    • Makukuha mo ang iyong P10 GCash credit within 7 working days mula sa pag-meet ng requirements para dito.
    • Hintayin lang ang text mula sa GCash, o i-check ang iyong balance sa GCash app.

    MONTHLY DATA PACK FREEBIE

    • Bukod sa free 6 GB na makukuha ng mga bagong ka-TM sa welcome freebie, meron ka pang additional 1 GB (valid for 7 days) kapag nag-load within the month.
    • Hintayin ang text confirmation.
  3. Walang 5G signal o hindi 5G-ready ang aking mobile phone. Pwede ko pa rin ba gamitin ang bagong TM 5G sim?
    Oo, dahil 3G at 4G/LTE-powered pa rin ang sim na ito. Ngayon, 5G-ready na rin.
  4. Paano mag-load?

    SA AUTOLOAD MAX
    Mag-load sa suking tindahan na malapit sa’yo.


    SA TM CALL CARDS

    • Pwede ka ring bumili ng mga sumusunod na call cards:
      • P50 load na valid for 15 days
      • P100 load na valid for 30 days
      • P300 load na valid for 75 days
    • Para mag-load gamit ang TM Call Card:
      Step 1: I-dial at tawagan ang *143#.
      Step 2: Piliin ang “LOAD CALL CARD” at i-press ang “OK.”
      Step 3: I-enter ang 10-digit call & text card number at i-press ang “OK.”
      Step 4: I-enter ang 6-digit PIN at i-press ang “OK.”

    SA NEW GLOBEONE APP

    Pwede ka bumili ng load sa New GlobeOne app:
    Step 1: Buksan ang New GlobeOne app.
    Step 2: I-click ang SHOP button sa baba ng app.
    Step 3: Mamili kung PROMO or normal LOAD ang kailangan.
    Step 4: I-enter and 11-digit mobile number.
    Step 5: Piliin ang denomination or promo na gustong i-load.
    Step 6: I-click ang SUBSCRIBE button.
    Step 7: Mamili sa payment channel na gagamitin:
    • GCash
    • Credit or debit card
    • Charge to load

    SA GCASH APP

    Pwede ka bumili ng load sa bagong GCash app:
    Step 1: Buksan ang GCash app.
    Step 2: I-click ang BUY LOAD sa GCash menu.
    Step 3: I-click ang TM logo at i-type ang mobile number na loloadan then press NEXT.
    Step 4: Basahin ang pop up message ng mabuti at tingnan kung tama ang number na loloadan.
    Press YES, PROCEED kung ito ay tama.
    Step 5: Piliin ang denomination or promo na gustong i-load.
    Step 6: I-click ang NEXT button.
    Step 7: Basahin ang summary at kung ito ay tama, press PAY button.

 

Magkano ang text, call, at mobile internet sa TM?

TM to TM Call P5.50/minute
Call from TM to Other Network P6.50/minute
Call from TM to Local Landline P6.50/minute
NDD P6.50/minute nationwide
IDD USD 0.40 and 0.60/minute
Voice Mail Service P3.00/minute
Text Messaging P1.00/message (To all networks)
P15.00/message (International)
MMS P5.00/picture sent
Mobile Internet P5.00/15 minutes or P2.00/MB
  1. Ano ang 5G technology?
    Ang 5G technology ay ang next generation wireless internet connectivity. Ito ay may mas mabilis na speed at mas reliable na internet connection.

  2. Paano makakatulong sa akin ang 5G technology?
    Nasa early stages pa lang ang technology na ito, pero nais namin siguraduhin na hindi mahuhuli ang TM pag tuluyan na itong ginamit. Hindi lang mas mabilis na internet speed ang dala ng 5G, pero pati na rin bagong capabilities na makakatulong sa iba't ibang field gaya ng medicine, transportation, at iba pa.

  3. Kailan magiging available ang 5G at anong areas ang magkakaroon nito?
    Mayroon ng TM/Globe 5G signal sa Bonifacio Global Area sa Taguig, sa Makati City, at sa Ortigas. Magkakaroon na rin ang buong Metro Manila ngayong taon.

  4. Kailangan ko ba magpalit ng sim para magamit ang 5G signal?
    Hindi, dahil ang kasalukuyang TM 4G/LTE sims ay kaya nang makatanggap at gumamit ng 5G signal. Kailangan lang na 5G-capable ang inyong device at merong 5G signal sa inyong area.

  5. Iba ba ang data charges kapag 5G signal ang gamit?
    Sa ngayon, walang additional charges pag 5G signal ang gamit. Habang subscribed sa TM data promos, dito pa rin ito mababawas. Kapag hindi subscribed sa kahit anong data promo, regular browsing rates ang ia-apply.

You May Also Like

FEATURED VIDEOS