UTANG load/promo
‘Pag may emergency, sagot ka namin, Ka-TM!
Stuck sa traffic? Walang pa-loadan in sight? Chill lang at kami ang bahala sa’yo! Dahil sa TM, pwede nang manghiram ng load or promo anytime! Ibabawas ang load o promo amount na hiniram sa susunod mong reload na may kasamang service fee.
- Para mag-register, dial *143#, hanapin ang UTANG sa menu, at piliin ang load o promo offer na gustong hiramin.
- Hindi kailangan ng maintaining balance para magamit ang Load/Promo Utang.
- Kailangan munang mabayaran ang existing TM Utang bago makahiram ulit.
- Ano ang benefits ng TM Utang service?
Sa TM Utang service, patuloy ka pa ring makaka-call, text, o surf kahit walang load! Pwede kang mamili sa emergency offers na ito:
KEYWORD DESCRIPTION PRICE VALIDITY COMBOSOS 2 mins of calls at 2 texts sa TM/Globe ₱6 1 day CALLSOS 3 mins of all network calls ₱6 1 day TXTSOS 10 all network texts ₱6 1 day FOMOSOS/ MBSOS 40 MB data ₱6 1 day IDDSOS 1 min of IDD call to select countries in the Middle East, Europe, North America, and Asia Pacific ₱6 1 day
Meron na ring Big-a-TEN Utang offers! I-dial na ang *143# para malaman kung eligible kang humiram ng mga ito:KEYWORD DESCRIPTION PRICE VALIDITY UTANG FB10 1 GB for Facebook ₱12 3 days UTANG YT10 1 GB for YouTube ₱12 3 days UTANG ML10 1 GB for Mobile Legends ₱12 3 days UTANG COD10 1 GB for Call of Duty: Mobile ₱12 3 days UTANG TIKTOK10 1 GB for TikTok ₱12 3 days - Sinong pwedeng gumamit ng TM Utang service?
Lahat ng TM customers ay maaaring humiram ng emergency loan offers. Mayroon din ibang loan offers na depende sa eligibility, pwede itong i-check sa Utang menu sa *143# kung anong available sa’yo. - Saan at paano mag-register sa mga emergency offer na ito?
- Via Text
I-send lang ang keyword sa 3733. May makukuha kang confirmation message na pwede nang gamitin ang hiniram na offer. - Via *143#
Pwede ring mag-register sa *143#! Piliin lang ang Utang, hanapin ang gustong offer, at piliin ang “Subscribe.” Para i-check ang balance, piliin ang Utang > Status > Utang Promo Status. - Via GlobeOne app
Buksan ang GlobeOne app at hanapin ang “Buy” icon sa ibaba ng screen. Siguraduhing nasa “Buy TM" ka at hanapin ang “Utang” menu. Pwede ka nang pumili ng gustong Utang offer. - Facebook
Habang gumagamit ng Free Facebook, i-click lang ang “Buy Data” para makita ang mga offers na pwede sa’yo.
- Via Text
- Pwede ba ako mag-register sa Utang gamit ang GlobeOne app?
Makikita ang mga Utang offers sa GlobeOne app pero posibleng hindi matuloy ang iyong transaction kung hindi ka eligible sa mga Utang offers na makikita sa app. Kung gusto mong malaman ang saktong Utang offers na pwede sa’yo, i-dial ang *143#. - Pwede ba akong humiram kahit anong oras?
Oo! Ang TM Utang service ay available 24/7. - Ayos ‘to ah! May iba bang pwedeng i-utang? May load din ba?
Depende sa iyong eligibility, pwede ring humiram ng load up to ₱90 at promos katulad ng EasySURF! Para malaman ang lahat ng offers na available sa’yo, i-dial na ang *143# at piliin ang “Utang” menu. - Paano kung lumabas ako ng Pilipinas? Pwede ko rin bang gamitin ang service na ito abroad?
Ang service na ito ay hindi pwedeng gamitin sa labas ng Pilipinas. - May nakuha na akong confirmation message sa hiniram kong COMBOSOS/CALLSOS/ TXTSOS/MBSOS/IDDSOS! Paano ko i-check ang promo balance at expiry nito?
PROMO KEYWORD COMBOSOS COMBOSOSBAL CALLSOS CALLSOSBAL TXTSOS TXTSOSBAL FOMOSOS/MBSOS FOMOSOSBAL/MBSOSBAL IDDSOS IDDSOSBAL
Para sa ibang Utang load at promo offers, pwede ring i-dial ang *143#, piliin ang Utang > Status > Utang Promo Status.
- Paano ko mababayaran ang hiniram kong load o promo?
FULL PAYMENT (buong kabayaran)
Kung gustong bayaran ang utang in full, bumili lang ng load na sakto o mas malaki sa inutang plus service fee. Automatic na itong kokolektahin at may matatanggap kang text galing sa 3733 para sa transaction mo.
MANUAL PAYMENT
Kung may sapat na load ka na sa wallet, pwede mo ring i-text ang PAY UTANG sa 3733.
PARTIAL PAYMENT (Installment o hulugan o paunang bayad)
Simula February 3, 2023, ang mga customer na may utang na hindi pa nababayaran after 14 days o higit pa ay unti-unti kokolektahan sa kanilang load top-up kahit mas maliit ito sa utang plus service fee.
Kung mas mababa ang ni-load sa buong utang (utang plus service fee), kokolektahin ang ni-load at magtitira ng ₱1 (isang piso) hanggang mabayaran ng buo ang utang. - Gaano kadalas ang pagkolekta ng payment sa utang kung hulugan or installment? Hindi ko ba magagamit ang aking SIM hanggang di nababayaran ang utang?
Wag mag-alala, Ka-TM! Isang beses lang kada 24 hours ang pagkolekta sa load top-up para bayaran ang utang. Ang sumunod na top-up (sa loob ng 24 hours) ay hindi kokolektahan.
Magagamit mo pa rin ang SIM kahit na may existing loan balance ka pa, pero mahihirapan nang makapangutang muli hanggang mabayaran ng buo ang utang. - Paano ko malalaman kung kailan magsisimula ang unti-unting pagkolekta sa aking top-up?
Kapag may naka-record na unpaid loan or may utang na hindi pa nababayaran, may mare-receive na text message mula sa 3733. Dito nakalagay ang petsa kung kailan magsisimula ang pagkolekta ng utang kahit ang top-up ay mas mababa kaysa sa total na inutang na amount (utang plus service fee). Paalala na ito ay mangyayari lamang kung hindi pa nabayaran ang utang bago ang nakalagay na petsa. - May dagdag bang interest kung hindi ko mabayaran ang hiniram kong promo o load agad?
Huwag mag alala dahil walang dagdag na interest kung hindi kaagad mabayaran ang promo o load na hiniram. Ang service fee ng TM Utang offers ay fixed. - Pwede ba akong humiram ulit kapag nakapagbayad na ako ng outstanding na utang?
Oo, pwede ka na ulit humiram ng available promos/load kapag nabayaran na ng buo ang iyong utang. - Pwede ba ako mag-unsubscribe sa Utang service?
STOP <space> PROMO KEYWORD.
Halimbawa: STOP UTANG EASYSURF30 o STOP COMBOSOS