EasySURF90 Doble Freebie

 

May 2 GB pang internet ka na, may 14 GB (2 GB/day) FunALIW pack ka at unli allnet texts pa!
Saan ka pa? Available lang ito ngayong March 8-10, 2021 kaya register na!



Ka-TM, ang EasySURF90 ay Doble Freebie na! Makakuha ng 2 GB pang-internet plus 14 GB (2 GB/day) FunALIW pack para sa Facebook, Mobile Legends, YouTube, TikTok, Wild Rift, at WeSing at unli allnet texts pa, P90 valid for 7 days!

I-text ang EZ90DF sa 8080, o mag-register sa GCash via https://gcsh.app/r/tmflashsale.

  • Paano mag-register sa SECRET EasySURF 90 Doble Freebie?
    Pwede mong i-text ang EZ90DF sa 8080. Pwede ka rin mag-register sa GCash via https://gcsh.app/r/tmflashsale at piliin ang Buy Load > Surf > EasySURF90 Doble Freebie.
  • Meron din bang SECRET EasySURF 90 Doble Freebie sa *143# o *100# retailer menu?
    Wala. Pwede kang mag-register sa SECRET EasySURF 90 Doble Freebie gamit lamang ang text at GCash app.
  • Kung makatanggap ako ng text tungkol sa SECRET EasySURF 90 Doble Freebie pero mag-register ako pagkatapos ng March 10, pwede ko pa ba itong makuha?
    Hindi. Ang registration sa SECRET EasySURF 90 Doble Freebie ay tatanggapin lamang kung i-text mo ang karagdagang keyword at gamitin ang GCash app sa loob ng March 8-10. Kung mag-register ka sa loob ng takdang panahon, pwede mo itong gamitin for 7 days kahit lumipas na ang March 10.
  • Pwede bang mag-register sa SECRET EasySURF 90 Doble Freebie kahit meron na akong ibang promo tulad ng EasySURF?
    Pwedeng ipagsabay ang SECRET EasySURF 90 Doble Freebie sa kahit anong TM promo.
  • Ilang beses ako pwedeng mag-register sa SECRET EasySURF 90 Doble Freebie?
    Pwede mo ulit-ulitin ang pag-register sa EZ90DF, basta ang promo registration mo ay nasa loob ng March 8-10, 2021.
  • Paano ko kukunin ang FunAliw freebie ng EasySURF90 Doble Freebie promo ko?
    Ang FunAliw pack freebie ay kasama na ng Secret EasySURF90 Doble Freebie promo mo. Ang mga apps freebies na kasama sa FunAliw pack ay ang mga sumusunod: Facebook, Mobile Legends, YouTube, TikTok, Wild Rift at WeSing.
  • Ilang MBs ang makukuha ko EasySURF 90 Doble Freebie?
    Ang Secret EasySURF90 Doble Freebie ay may 2 GB pang-internet at 14 GB (2 GB araw-araw) freebie para sa FunAliw pack.
  • Kung hindi ko nagamit ang 2 GB para sa freebie ko ngayon, madadagdag ba ito sa 2 GB ko para bukas?
    Ang 2 GB araw-araw ay hindi naiipon. Kung hindi naubos ang iyong MBs, forfeited na ito. Hindi ito nake-carry-over sa mga susunod na araw.
  • Paano ko makikita ang mobile data internet na natitira sa promo ko?
    Para makita ang status ng iyong natitirang mobile data, i-text ang DATA BAL sa 8080. Pwede mo ring i-download ang TM App mula sa Google Play Store o sa App store para makita ang iyong mobile internet usage at data promos.
  • Paano ko malalaman kung expired na ang registration ko?
    Makatatanggap ka ng text message na nagsasabing expired na iyong promo kapag tapos na ang iyong promo subscription. Kung maubos mo ang iyong mobile data allocation bago matapos ang iyong promo, makatatanggap ka rin ng text message na ubos na ang iyong mobile data.
  • Paano kung maubos ko ang aking mobile internet allocation bago matapos ang aking promo?
    Makatatanggap ka ng text message na nagsasabing naubos na ang iyong SECRET EasySURF 90 Doble Freebie mobile data, at regular browsing rate (P5/15 minuto) ang charge sa ano mang pag-internet hanggang sa maka-register ka uli sa isang internet promo.

IBA PANG PAWER PROMOS



ALL-NET SURF 20
ALL-NET SURF 20



EASYSURF


DIGITAL EXCLUSIVES
DIGITAL EXCLUSIVES


G NA SA TM TAMBAYAN ONLINE PARA TULUY-TULOY ANG TEAMWORK NG BARKADA

Facebook

TikTok

Twitter

Instagram