FACEBOOK PROMOS
Magpaulan ng happy emojis with Facebook promos sa TM!
Sundan ang lahat ng ganap ng buong barkada’t buong pamilya! I-heart at i-like lang ang kulitan with a TM Facebook promo for as low as ₱10 for 1 GB, valid na for three days.
- Siguraduhin na may ₱1 na maintaining balance para magamit ang TM Facebook.
- Para mag-register, i-text lang ang Facebook promo KEYWORD sa 8080.
KEYWORD |
MB ALLOCATION | CALL/TEXT | VALIDITY | RATE |
---|---|---|---|---|
FB10 | 1 GB |
- | 3 days | ₱10 |
FB15 | 200 MB |
- | 2 days | ₱15 |
FB30 | 300 MB |
Unli all-net text | 3 days | ₱30 |
FB50 | 500 MB |
Unli all-net text | 5 days | ₱50 |
FACEBOOK50 | 600 MB |
- | 7 days | ₱50 |
FB199 | 1 GB |
- | 30 days | ₱199 |
- Ano ang Facebook promo?
Ang Facebook (FB) promo ay mobile internet promo na nagbibigay ng Facebook access sa cellphone gamit ang m.facebook.com o Facebook app. Para mag-register, i-text lang ang promo keyword sa 8080:
- FB10 - FB access up to 1 GB, valid for three days
- FB15 - FB access up to 200 MB, valid for two days
- FB30 - FB access up to 300 MB with unli all-net text, valid for three days
- FB50 - FB access up to 500 MB with unli all-net text, valid for five days
- FACEBOOK50 - FB access up to 600 MB, valid for seven days
- FB199 - FB access up to 1 GB, valid for 30 days
Makakatanggap ka ng text na nagsasabing naka-register ka na sa FB promo. Pagkatapos ay pwede ka nang mag-FB gamit ang FB app o ang mobile URL.
- Ano ang kaibahan ng FB50 at FACEBOOK50 promo?
Ang FB50 ay may 500 MB na data allocation at unli all-net texts na valid for five days. Ang FACEBOOK50 naman ay may 600 MB na data na valid naman for seven days. - Sino ang maaaring gumamit ng FB10/15/30/50/199 o FACEBOOK50?
Lahat ng TM subscribers ay pwedeng gumamit ng FB Promo gamit ang cellphone, maliban lang sa mga gumagamit ng BlackBerry devices at Opera Mini browser. Siguraduhin lang din na internet-capable ang cellphone mo para magamit ang FB promo. - Ano ang m.facebook.com?
Ang m.facebook.com ay ang mobile version URL ng www.facebook.com. Ang mga gumagamit ng Facebook sa cellphone ay automatic na mare-redirect sa m.facebook.com. Ito ay mas pinaliit na version ng Facebook para sa cellphone, pero magagamit mo pa rin dito ang main features ng Facebook tulad ng pag-post, pag-add ng friends, pag-upload ng photos at iba pa. - Pwede ko bang gamitin ang Facebook app ng walang karagdagang charges habang naka-register sa FB promo?
Oo, pwedeng gamitin ang FB app ng walang karagdagang charges kapag naka-register sa FB promo. Regular rate ang charge kapag nag-FB o nag-internet nang hindi naka-register sa FB promo o ibang TM surf promo. Para sa buong listahan ng mga TM promo, i-dial ang *143# for free at piliin ang surfing. - Naka-register na ako sa EasySURF o ibang data promo. Maaari ba akong mag-register sa FB Promo?
Oo, maaari ring mag-register sa FB promo habang naka-register sa ibang mobile internet promos tulad ng EasySURF. Kapag naka-register sa ibang internet promos, maaari nang pumunta sa ibang sites maliban sa Facebook ng walang karagdagang mobile internet charges. - Anong oras maaaring gamitin ang mga FB promo?
Ang lahat ng FB promos ay available buong araw at magagamit sa loob ng:
- FB10 - three days
- FB15 - two days
- FB30 - three days, kasama ng unli all-net text
- FB50 - five days, kasama ng unli all-net text
- FACEBOOK50 - seven days
- FB199 - 30 days
- Pagkatapos mag-register, paano ko malalaman kung active na ang FB subscription ko?
Pagkatapos i-text ang FB KEYWORD sa 8080, makakatanggap ka ng confirmation message na active na ang subscription mo. Pwede ring pumunta sa internet browser at i-type ang http://m.facebook.com o buksan ang FB app. Para malaman ang status ng iyong subscription i-text ang FB(10/15/30/50/199) STATUS o FACEBOOK50 STATUS sa 8080. - May karagdagang charges ba kapag pumunta sa ibang sites or nag-click ng ads sa Facebook?
Oo. ₱5/15 minutes o regular mobile internet rate ang charge kapag pumunta sa ibang sites o nag-click ng embedded links na papunta sa ibang sites na nasa labas ng Facebook tulad ng YouTube, Spotify, at iba pa. Kung naka-register ka sa ibang mobile internet promos tulad ng GoSURF o SuperSurf, dito mababawas ang MB na ginamit mo para sa non-FB sites o apps. Para sa kumpletong listahan ng TM mobile internet promos, i-check lang ang TM Promos page o i-dial ang *143# for free at piliin ang surfing. - Paano kung nag-expire ang FB promo habang kasalukuyang ginagamit ang Facebook? Automatic ba ulit akong mare-register sa FB promo?
Hindi. Kung nag-expire ang subscription habang ginagamit mo ang Facebook, makatatanggap ka ng text na expired na ang iyong FB subscription at ₱5/15 minutes o regular mobile internet rate na ang charge, maliban na lang kung naka-register ka sa ibang mobile internet promos. Pwede ka rin namang mag-register ulit sa FB promo kapag nag-expire na ang subscription mo. - Maaari ba akong mag-register sa FB Promo ng mahigit sa isang beses sa loob ng isang araw?
Para sa FB10/15/199 o FACEBOOK50, pwedeng mag-register ng mahigit sa isang beses sa isang araw. Kapag nag-register ulit ng higit sa isang beses sa isang araw, madadagdagan ang validity ng registration simula sa pinakahuling successful registration. Para mas sulit, mas mabuting hintaying matapos ang naunang promo registration bago muling mag-register. Pero para sa FB30/50, kailangan mong hintayin mag-expire ang registration mo bago ka makapag-register ulit. - Meron bang maintaining balance para magamit ang FB promo?
Kailangan mo ng ₱1 maintaining balance para mag-register sa FB promo. - Kapag itinigil ko ang FB promo bago ito mag-expire, makatatanggap ba ako ng refund para sa natitirang oras na hindi ko ginamit?
Hindi, walang matatanggap na refund kapag itinigil ang subscription bago ito ma-expire. Forfeited na rin ang natitirang mobile data ng FB promo kung nag-unsubscribe ka dito. - Paano ko malalaman kung active pa ang aking FB subscription?
I-text lang ang FB(10/15/30/50/199) STATUS or FACEBOOK50 STATUS sa 8080 para malaman ang status ng subscription mo. - Paano ko ititigil ang FB promo subscription ko?
I-text lang ang FB(10/15/30/50/199) STOP or FACEBOOK50 STOP sa 8080 para itigil ang subscription bago ito mag-expire. - Pwede ba akong mag-register sa ibang TM promos habang nakaregister sa FB Promo?
Oo, pwede kang mag-register sa anumang call and text promos habang naka-register sa FB10/15/199 o FACEBOOK50. Pero kapag naka-register sa FB30/50, hindi ka pwedeng mag-register sa promo na may unli all-net text dahil may kasama ng unli all-net text ang FB30/50. Pero pwede kang mag-register sa kahit anong mobile internet promos tulad ng GoSURF o SuperSurf habang registered sa kahit anong FB promo.