GBs to Points Promo

Mas masusulit mo na ang data mo, ka-TM! 

Pwede mo nang i-convert sa TM Rewards points ang natitira mong data simula March 23 to June 30, 2021.

Katumbas ng isang TM Rewards point ang bawat 1 GB na data pang internet/open-access data. Pwede mo ito gamitin pang redeem ng mga mobile promos at mga digital vouchers na pang shopping at food orders! Limited offer lang ito, kaya convert na!

  • I-open ang TM app at pumunta sa Dashboard.
  • I-click ang Convert Data.
  • Piliin ang amount ng data pang internet na gusto mo i-convert at i-click ang Convert.
  • Makakatanggap ka ng text message para i-confirm ang conversion mo.
  1. Ano ang GBs to Points?
    Ang GBs to Points ay ang pinakabagong promo para sa TM customers kung saan pwede nang masulit ang mga natitirang data pang internet o open-access data at i-convert sa TM Rewards points.
  2. Sino ang pwede sa promo na ito?
    Open ang promo na ito sa lahat ng TM customers na nakasubscribe sa mga sumusunod na promo: All-In 20, All-In 30, at kahit anong EasySURF promos.
  3. Ano ang promo period ng GBs to Points?
    Ang GBs to Points ay isang limited offer na available mula March 23 hanggang June 30, 2021.
  4. Wow! Pwede ko ba i-convert ang buong promo registration ko to TM Rewards?
    Hindi. Pwede mo lang i-convert sa TM Rewards ang mga data na pang-internet/open-access data. Kapag expired na ang promo mo, hindi mo na ito pwede i-convert sa TM Rewards.
  5. Pwede ko din ba ma-convert sa TM Rewards points ang mga freebie data o promos na magagamit lang sa piling apps?
    Hindi. Ang mga data na magagamit lang sa pang-internet/open-access data ang pwede mo i-convert sa TM Rewards points.
  6. Ilang data na pang-internet/open-access data ang pwede ko i-convert sa TM Rewards?
    Katumbas ng isang TM Rewards point ang bawat 1 GB na data pang internet/open-access data.
  7. Paano i-convert ang natitirang data pang-internet/open-access data sa TM Rewards?
    1. Gawin lang ang mga sumusunod:
    2. I-open ang TM app at pumunta sa Dashboard
    3. I-click ang Convert Data
    4. Piliin ang amount ng data pang internet na gusto mo i-convert at i-click ang Convert
    5. Makakatanggap ka ng text message para i-confirm ang iyong conversion
  8. Bakit hindi ko makita ang Convert Data button?
    Baka hindi mo makita ang Convert Data dahil:
    1. Ang registered promo mo ay hindi kasama sa mga eligible na i-convert.
    2. Kulang ang data wallet mo na pang-convert.
  9. Hindi ko pa rin makita ang Convert button kahit naka-register na ko sa eligible promo at may sapat na ko na data wallet pang-convert?
    Pwede mo i-report sa amin gamit ang TM app mo at hanapin lang ang Help and Support section o pumunta sa TM Tambayan FB Messenger.
  10. Saan ko pwede magamit ang mga na-covert ko na data pang internet/open-access data sa TM Rewards points?
    Maaari ka mag redeem ng mga mobile promos at mga digital vouchers na magagamit sa shopping at food orders! Pumunta lang sa Globe Rewards app para magamit ang points. Para sa ibang detalye tungkol sa rewards, visit https://www.globe.com.ph/help/rewards.html
  11. Pwede ko ba i-convert ang lahat ng data ko na pang internet/open-access data sa TM Rewards points?
    Oo. Pero tandaan, na kapag na-convert mo na lahat ang data mo pang internet/open-access data sa TM Rewards, pwede ka ma-charge ng regular browsing rates.
    Para maiwasan ang mga di inaasahang data charges, i-text lang ang SURFALERT ON at i-send sa 8080. Para sa iba pang impormasyon, i-text ang SURFALERT at i-send sa 8080.
  12. Saan ko maaaring makita ang mga GBs to Points transactions?
    Pumunta lang sa TM app para ma-view mo ang mga GBs to Points transactions mo. Pumunta sa Dashboard, i-click ang More Details at piliin ang Data Conversion History.
  13. Maari ko ba i-combine ang GBs to Points at ang regular TM Rewards points?
    Yes! Pwede mo i-combine ang GBs to Points at regular TM Rewards points mo para maka-redeem ng mga items sa Globe Rewards app.
  14. Kailan ang expiry date ng mga converted TM Rewards points?
    Mag-eexpire lahat ng na-convert na data pang internet/open-access data sa TM Rewards points sa July 31, 2021.
  15. Ano ang unang mag-expire sa points ko? Yung data points o naipon ko na points?
    Ang unang mag-eexpire ay ang iyong data points sa July 31, 2021. Ang naipon mo na points this year ay mag-eexpire next year.
  16. Paano ko malalaman ang breakdown ng data points vs regular points?
    Makikita sa TM app ang total points mo at kung ito man ay data converted points o yung naipon mo na regular TM rewards.
  17. Malalaman ko ba kung mag-eexpire na ang points ko?
    Yes. Makikita sa TM app ang expiry date. May matatanggap ka din na notification kapag malapit na mag-expire ang points mo.
  18. Kailan ko matatanggap ang mga TM Rewards points na galing sa pag-convert ko ng data pang-internet/open-access data?
    Makakatanggap ka agad ng text message para i-confirm ang data conversion mo or sa loob ng 24 hours.
  19. Hanggang ilang beses ako maaaring magconvert ng data pang internet/open-access data?
    Walang limit sa kung ilang beses mo pwede ma-convert ang data mo pang internet/open-access data sa TM Rewards basta meron kang sapat na data at hindi pa ito expired.



YOU MAY ALSO LIKE



FEATURED VIDEOS