Ano ang Starlink?
Ang Starlink satellite-to-mobile service ay tumutulong para manatili kang connected kahit sa mga lugar na hindi abot ng cell tower. Sa halip na umasa lang sa signal mula sa mga ito, gumagamit ang Starlink ng satellite sa space para makapagbigay ng koneksyon kahit sa mga lugar na malalayo at mahirap mapuntahan.
Walang extra device. Walang dagdag na hardware. Ang kailangan mo lang ay ang compatible mong LTE, 4G o 5G Android/HarmonyOS device at registered TM SIM. Ginagamit ito para sa essential connectivity tulad ng text, chat at mahahalagang online services. Hindi ito para sa video calls, streaming o heavy data use.
Sa ngayon, available ito sa compatible LTE, 4G at 5G Android/HarmonyOS smartphones. Susunod naman ang support para sa iPhone devices.
Paano ito gumagana?
Sa mga lugar na walang 4G o 5G signal, tulad ng mga bundok o isla, ang compatible mong LTE, 4G o 5G Android/HarmonyOS device, kahit basic, ay pwedeng kumonek sa satellite sa taas. Para itong cell tower sa space na tumutulong para manatiling connected ang phone mo kahit walang regular network coverage.
Gumagana ito sa compatible LTE, 4G at 5G Android/HarmonyOS phones na may active TM SIM. Pag nawalan ng signal, automatic na magta-try mag-connect ang phone sa satellite. Kaya posible pa ring makapag-send ng SMS at makagamit ng essential data services.
Para kanino ito?
Malaking tulong ito para sa mga nasa probinsya, isla o lugar na mahina o walang signal, pati na rin sa mga madalas bumiyahe sa ganitong areas. Mas magiging madali ang pakikipag-communicate sa pamilya, trabaho at iba pa. Makakatanggap ka rin ng important updates kahit nasa lugar na hindi abot ng regular coverage.
Bakit ito mahalaga?
Ang Starlink satellite-to-mobile service ay ginawa para mag-work kasama ng existing mobile networks, bilang dagdag na layer ng connectivity kapag walang signal. Sa panahon ng emergencies o sakuna, makakatulong din ito para manatiling bukas ang komunikasyon kahit maapektuhan ang regular networks para mas maraming Pilipino ang manatiling connected kahit sa mga lugar na mahirap abutin ng signal.