Paano gumagana ang connection?
EZ lang ito gamitin, Ka-TeaM! Hindi mo kailangang mag-set up o mag-activate ng kahit ano. Siguraduhin lang na may active at registered TM SIM ka at naka-on ang Data Roaming, para handa itong gamitin kapag nawalan ng signal.
Pag napunta ka sa isang area na walang cellular o WiFi signal, automatic na maghahanap ng Starlink connection ang phone mo. Para mas maging stable ang connection, siguraduhin na nasa open area ka. Iwasan ang mga harang tulad ng matataas na building o puno.
Paano mo malalaman kung connected ka na?
Pag nawalan ng regular signal, kusa nang susubukan ng phone mo na kumonek sa satellite. Para ma-confirm kung successful ang connection, pwede mong i-check ang carrier name sa Settings. Magpapakita ito ng “G Starlink” pag connected na.