-
Paano i-on ang satellite signal?
Hindi mo kailangang i-on ito manually. Kusa itong magta-try mag-connect sa satellite kapag nawalan ng signal. -
Bakit wala akong signal kahit nasa labas ako?
Pwedeng may humaharang sa signal tulad ng puno o building. Hindi rin ito gagana kung may malakas pang regular signal sa area mo. Para mas okay ang connection, humanap ng open area na may view ng sky. -
Saan available ang Globe Starlink?
Magagamit ang Globe Starlink sa mga lugar na hindi abot ng regular mobile signal, tulad ng bundok, dagat at iba pang remote o off-grid areas sa Pilipinas.
Maaaring mag-iba ang coverage depende sa satellite position at sa paligid mo. Para mas maayos ang connection, gamitin ito sa open area at iwasan ang mga lugar na may matataas na building o makakapal na puno. -
Pwede bang tumawag gamit ang TM Starlink?
Hindi pa supported ang voice calls gamit ang TM Starlink mobile network. Sa ngayon, pwede mong gamitin ang regular na TM network para sa voice calls. -
Hindi ako makapag-send o receive ng message. Anong gagawin ko?
Maaaring may humaharang sa signal o hindi naka-on ang Data Roaming, depende sa device mo. Normal din na magkaroon ng kaunting delay sa pag-send o pagtanggap ng messages dahil sa satellite connection. -
Hindi ako makakonek sa satellite signal. Anong gagawin ko?
Ang Starlink connection ay nagiging available lang kapag walang regular signal at nasa open area. Maaaring hindi ito mag-activate kung may existing coverage sa area. -
Wala pa rin akong signal. Paano ko maaayos ito?
Para makakonekta sa Starlink network, siguraduhin na nasa open field ka na may view ng sky. Kung ready na ang account mo pero wala ka pa ring signal, i-restart ang phone mo para makapag-connect ito sa Starlink satellite. -
Anong apps ang pwede kong gamitin?
Pag connected ka sa Starlink, pwede mong gamitin ang essential messaging apps.