- Ano ang TMBayan Fiber WiFi?
Ang TMBayan Fiber WiFi ay PAWER na public connection na pwedeng gamitin sa wireless na gadget tulad ng cellphone, tablet o laptop para magkaroon ng internet access. - Sino ang pwedeng gumamit ng TMBayan Fiber WiFi?
Ang TMBayan Fiber WiFi ay open sa kahit na anong mobile provider, 'di lang mga ka-TM. - Saan pwede i-enjoy ang TMBayan Fiber WiFi?
Available ang TMBayan Fiber WiFi sa select sari-sari stores at iba pang tambayan sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Cebu at Davao. - Paano kung wala akong mobile number? Pwede ko pa rin bang magamit ang TMBayan Fiber WiFi?
Dapat meron ka ng alinman sa mga sumusunod na network para maka-register:- TM
- Globe
- Iba pang mobile networks
- Paano mag-connect sa TMBayan Fiber WiFi?
Kung nasa area ka na may TMBayan Fiber WiFi hotspot, hanapin lang ang @TMBayanWiFi at sundin ang mga ito:- Ilagay ang Mobile Number.
- Ilagay ang Verification Code na ipapadala sa text.
- Pumili ng promo at bayaran ito gamit ang available na payment methods.
- Ano ang WiFi Plans o promos ng TMBayan Fiber WiFi?
Pwede kang mamili sa anim na UNLI promos na ito:
a. UNLI promo para sa isang device:- TMBayanUNLI5 (₱5 valid for 1 hour)
- TMBayanUNLI20 (₱20 valid for 12 hours)
- TMBayanUNLI50 (₱50 valid for 3 days)
b. UNLI promo na shareable hanggang sa anim na devices:- TMBayanUNLI99 (₱99 valid for 5 days)
- TMBayanUNLI189 (₱189 valid for 7 days)
- TMBayanUNLI500 (₱500 valid for 30 days)
- Paano mag-register sa TMBayan Fiber WiFi promos sa TMBayan Fiber WiFi portal?
Hanapin mo lang ang @TMBayanWiFi, ilagay ang iyong mobile number at verification number at pumili ng promo!
Para sa Globe at TM users, pwedeng magbayad via:
- Charge to load or bill: Maaaring ibawas ang amount sa iyong Prepaid Load. Para sa Globe Postpaid customers, maaaring i-charge ito sa postpaid bill ng susunod na buwan.
- Request-a-Fi: Maaari kang mag-request sa Globe/TM customer upang bigyan o pasahan ka ng TMBayanUNLI promos sa registered number mo.
- GCash
- Credit o Debit Card
Para sa ibang mobile network users, maaaring magbayad via:
- Request-a-Fi: Maaari kang mag-request sa Globe/TM customer upang bigyan o pasahan ka ng TMBayanUNLI promos sa registered number mo.
- GCash
- Credit o Debit Card
- Gaano katagal pwedeng gamitin ang TMBayanUNLI promos?
Ang mga UNLI promos ng TMBayan Fiber WiFi ay valid hanggang:
UNLI promo para sa isang (1) device:- TMBayanUNLI5 (₱5 valid for 1 hour)
- TMBayanUNLI20 (₱20 valid for 12 hours)
- TMBayanUNLI50 (₱50 valid for 3 days)
UNLI promo na shareable hanggang sa anim (6) na devices:- TMBayanUNLI99 (₱99 valid for 5 days)
- TMBayanUNLI189 (₱189 valid for 7 days)
- TMBayanUNLI500 (₱500 valid for 30 days)
- Maaari ba akong mag-register sa iba’t ibang TMBayanUNLI promo nang sabay-sabay?
Wait, wait rin pag may time. Kailangan mag-expire muna ang current na TMBayanUNLI promo mo bago ka maka-register ulit. - Maaari bang gamitin ang TMBayanUNLI promo sa ibang TMBayan Fiber WiFi hotspots?
Oo naman, mga ka-TM! Pwede mong gamitin ang TMBayanUNLI promo sa ibang TMBayan Fiber hotspots hangga't hindi pa ito ubos o expired. - Kapag nag-expire na ang aking TMBayanUNLI promo, pwede pa ba ako mag-register ulit?
Pwedeng-pwede! Hanapin mo lang ulit sa @TMBayanWiFi para makabili ng promo at maka-connect sa PAWER na internet all day. - Kailan ko pwedeng gamitin ang TMBayan Fiber WiFi?
Basta connected ka sa PAWER na @TMBayanWiFi o @TMBayanWiFi_Sharable at may valid na TMBayanUNLI promo ka, pwede mo itong gamitin. - Anong mangyayari kapag nag-expire na ang TMBayanUNLI promo ko?
Pag nag-expire ang TMBayanUNLI promo mo, mawawalan ka ng access sa internet at mapupunta ka sa TMBayan Fiber WiFi page, kung saan makikita na ikaw ay wala nang active plan. Maaari ka ring bumili ng bagong promo sa page na ito, i-tap lang ang "Kumuha ng Plan." - Mababawasan ba ang aking prepaid load kung mag-exceed ako sa validity ng TMBayanUNLI promo?
Pag expired na ang promo mo, mawawalan ka na ng access sa internet. Kung naka-on ang data mo, mababawasan ang iyong prepaid load. Para tuloy-tuloy ang PAWER na samahan, siguraduhing naka-connect ka sa TMBayanFiber WiFi at naka-register sa kahit anong TMBayanUNLI promo. - Maaari ko bang gamitin ang TMBayanUNLI promo sa ibang devices?
Ang TMBayanUNLI99, TMBayanUNLI189 at TMBayanUNLI500 ay pwedeng i-share hanggang sa anim na devices. Ang PAWER, 'no? Basta siguraduhing naka-connect ka sa @TMBayanWiFi_Shareable hotspot.
Para matulungan ka namin sa kahit anong concern, mag-email ka lang sa [email protected].