- Macha-charge ba ako kung ia-activate ko ang FaceTime at iMessage?
Simula December 14, 2021, libre na ang pag-activate ng FaceTime at iMessage sa iyong Apple device. Kinakailangan lang na na-download mo na ang latest iOS 15.2 version at Carrier Settings Update once available na ito.
Kapag naka-deactivate ang services na ito bago mag-update sa latest iOS 15.2 version at Carrier Settings Update, maaaring i-activate ito sa paggawa nito:
- I-restart ang iyong Apple device.
- Pumunta sa Settings > Messages > Turn on iMessage.
- Pumunta sa Settings > FaceTime > Turn on FaceTime.
Kung naka-activate na ang FaceTime at iMessage bago ang iOS update, hindi na kinakailangan pang i-activate ito ulit. - Bakit hindi gumagana ang FaceTime at iMessage ko?
Kapag 2G/3G SIM card pa rin ang gamit mo, oras na para mag-upgrade sa Globe 4G LTE/5G SIM. Siguraduhin na na-download mo na rin ang latest iOS 15.2 version at Carrier Settings Update para sa iyong Apple device.
Kapag Globe 4G LTE/5G SIM na ang gamit mo, siguraduhin lang na na-download mo na ang latest iOS 15.2 version at Carrier Settings Update sa iyong Apple device.
Paalala lang na pagkatapos ma-activate ang iMessage at FaceTime, ang paggamit ng services na ito ay free kapag ikaw ay naka-connect sa internet. Kung mobile data ang iyong gamit, may kaukulang data charges ito.
- Kung Apple device user ako, ano ang mangyayari kapag hindi ako mag-upgrade ng SIM to 4G LTE/5G?
Kapag hindi ka mag-upgrade sa 4G LTE/5G SIM simula April 30, 2022, hindi mo na maa-activate at magagamit ang iMessage at FaceTime sa iyong Apple device.
Pagkatapos mag-upgrade ng SIM, siguraduhin i-download ang latest iOS 15.2 version at Carrier Settings Update upang magamit at ma-enjoy ang free activation.
- Paano mag-upgrade ng SIM to 4G LTE/5G? Magkano ang charge para mag-upgrade at anu-ano ang requirements?
Kapag 2G/3G SIM card pa rin ang gamit mo, oras na para mag-upgrade sa Globe 4G LTE/5G SIM for FREE. Para mag-request ng SIM upgrade, mag-set ng online appointment bago dumeretso sa nais na Globe store.- Piliin ang Appointment Type > Change SIM.
- Piliin ang Custom Priority.
- Hanapin ang gusto mong Globe store o ang pinakamalapit na Globe store sa iyo.
- I-click ang Globe store na nais bisitahin. Kung puno ang schedule ng piniling store, mas mabuti na pumili muna ng ibang Globe store na malapit din sa iyo.
- Piliin ang date at oras kung kailan mo gustong pumunta sa Globe store.
- Ilagay ang iyong contact details (Name, Mobile Number, at Email), at mag-agree sa Terms and Conditions.
- Pagkatapos nito, may confirmation code na naka-assign sa iyo na kinakailangan mong ipakita kapag magche-check in na sa store.
- Maaaring i-cancel or i-reschedule ang appointment pero masusunod pa rin ang first-come, first-served basis sa bagong slots na ire-reserve.
Sa petsa ng schedule ng iyong pagbisita sa store, kailangan mong dalhin ang SIM na ipapapalit mo. Basahin din ito para sa karagdagang impormasyon.
Kapag nakapag-book ka ng appointment bago pumunta sa store, makukuha mo rin ang bagong SIM sa araw ng iyong pagbisita.
- Kapag walk-in customer lang ako at hindi nakapag-online appointment, pwede ko bang makuha pa rin ang libreng SIM upgrade? Makukuha ko rin ba ito on the same day?
Para sa inyong seguridad, ipa-prioritize muna ang mga customers na nakapag-book ng appointment. Ang walk-in customers ay posible lamang na ma-accommodate kapag natapos na ang transaksiyon ng mga nakapag-register. Pero kahit ikaw ay pwedeng ma-accommodate na sa Globe store, walang kasiguraduhan na makukuha mo ang SIM sa parehong araw. Nirerekomenda naming mag-book muna ng appointment bago dumiretso sa alinmang Globe store.
- Paano ko malalaman kung ang SIM ko ay 4G LTE or 5G-ready na? Paano ko rin malalaman kung nasa lugar ako na available ang 4G?
Kung ikaw ay gumagamit ng 4G LTE/5G SIM sa isang 4G device at nasa lugar na may 4G coverage, may makikita kang ”LTE,” “4G,” o “4G+” na symbol sa signal indicator ng iyong device.
Pwede mo ring ma-check kung naka 4G LTE SIM ka na sa pamamagitan ng pag-text ng SIM CHECK sa 8080. Kung naka-LTE SIM ka na, makukuha mo ang reply na ito mula sa 2860:
“Wow! Naka-LTE SIM ka na. Mas mabilis ang internet experience mo kung naka LTE-capable device ka sa LTE-powered areas. Mag-register na ng data promos via GlobeOne app”
- Makakakuha ba ako ng message o alert kapag hindi successful ang FaceTime o iMessage activation ko?
Ang pag-activate ng FaceTime o iMessage ay maaaring umabot ng 24 hours. Pero kapag lumagpas pa ito sa 24 hours at naka-display pa rin ang “waiting for activation,” ibig sabihin nito ay hindi successful ang activation ng services. Ang “waiting for activation” ay makikita sa ilalim ng FaceTime o iMessage button sa setting ng iyong Apple device.
Para ma-activate ang FaceTime at iMessage after 24 hours, subukan ang mga sumusunod:
- Kung gumagamit pa rin ng 2G/3G SIM, i-upgrade na ito sa 4G LTE/5G na SIM sa Globe stores.
- Siguraduhin na-update ang Apple device sa latest iOS 15.2 version at Carrier Settings Update.
Kapag nagawa mo na ito, subukan ulit i-activate ang FaceTime at iMessage.
- Anu-ano ang mga iPhone models na makakakuha ng latest iOS 15.2 update simula sa December?
- iPhone 13, 13 mini, 13 Pro, 13 Pro Max
- iPhone 12, 12 mini, 12 Pro, 12 Pro Max
- All iPhone 12 models
- iPhone 11, 11 Pro, 11 Pro Max
- iPhone XS and XS Max
- iPhone XR
- iPhone XS
- iPhone XS Max
- iPhone X
- iPhone SE (1st and 2nd generation)
- iPhone 8, 8 Plus
- iPhone 7, 7 Plus
- iPhone SE
- iPhone 6s, 6s Plus
- Bakit ba may charge ang pag-activate ng FaceTime at iMessage dati?
Ang dating proseso ay may kaakibat na one-time ₱10 charge para sa activation fees ng iMessage at FaceTime dahil nagpapadala ng international text ang iyong device sa Apple server para ma-verify at ma-activate ang iyong number. Paalala lang na ang paggamit ng services na ito ay free kapag ikaw ay naka-connect sa internet. Kung mobile data ang iyong gamit, may kaukulang data charges ito.
- Ano ang Carrier Settings Update? Pareho lang ba ito sa iOS update? Bakit ko kailangan i-update ang Carrier Settings ng Apple device ko?
Ang Carrier Settings ay updates mula sa Globe upang mas maayos pa ang network connectivity at performance ng inyong Apple device. Iba ito sa iOS update na galing mismo sa Apple kung saan may bagong features at settings para sa iyong device.
Kapag nakapag-update ka na sa latest iOS software, may pop-up na makikita sa iyong device para ma-inform kang ready na ang Carrier Settings update para ma-install.
Para patuloy mong ma-enjoy ang FaceTime at iMessage, kinakailangang mong i-update ang iyong Apple device sa latest iOS software at Carrier Settings Update. Kung hindi naka-set sa automatic ang updates sa Apple device mo, sundan lamang ito:
Software (iOS) Update:
- Para mag manual update, i-click ang Settings app.
- Pumunta sa General > Software Update.
- Kapag nakita ang iOS software, i-click ang Download and Install.
- Mag-agree sa Terms and Conditions.
- Antayin mag-simula ang download.
- Pagkatapos nito, pwede mo na i-check ang settings para malaman kung successful ang pag-update mo.
Carrier Settings Update:
- Kapag successful mong na-update ang iOS software mo, may pop-up na makikita sa Apple device. I-click ang "Update Now."
- Kapag na-click mo ang "Not Now" imbes na ang "Update," magpapakita muli ang pop-up message na ito.
- Kung nais mong mag manual update nalang, pumunta lang sa Settings app.
- I-click ang General > About.
- Kapag may Carrier Settings Update na nag pop-up, i-click ang "Update Now."
- Kapag walang pop-up, ibig sabihin ay na-download mo na ang latest update.