TM FUNLARO
Walang katapat ang next-level gaming sa Mobile Legends kasama ang ating bagong TeaMmates! May chance kang manalo ng up to ₱50,000 plus trip to MLBB M7 World Championships sa Jakarta, Indonesia. Ano pa ang hihintay n’yo? Sali na!
Gusto mo bang sumali? Hanggang August 31, 2025 na lang pwedeng mag-join! Hatakin na ang barkada at sundin ang sumusunod na steps:
- Piliin ang leg or region na gusto mong salihan at sagutan ang registration form:
- Antayin ang tawag at email mula sa TM authorized game masters para sa mga detalye ng online tournament.
- Siguruhing naka-register sa TM promo sa duration ng tournament dahil iche-check ito, mga ka-TeaM.
- Ano ang TM FunLARO?
Ito ang online mobile games/e-sports tournament para sa mga Ka-TeaM! Regional ang TM FunLARO kaya abangan kung sa lugar n’yo ito susunod na magaganap. - Kailangan ba maging TM subscriber para makasali?
Oo, ang mga Ka-TeaM na may active mobile number lang ang pwedeng sumali. - May age limit ba sa pagsali?
Yes, ang mga Ka-TeaM na 14 years old pataas lang ang pwedeng makasali sa TM FunLARO Tournament. Base sa GAB, ang 14 years to 17 years old players ay kabilang sa mga minor. Hindi maaaring bumaba sa 14 years old ang players dahil ito ay mahigpit na ipinagbabawal ng Games and Amusement Board of the Philippines. - Ano ang GAB License?
Ang GAB o Games and Amusement Board ay isang ahensiya ng gobyerno na nagsisilbing regulating body sa lahat ng sports sa bansa upang maiwasan ang mga ilegal na gawain, tulad ng pustahan, sa larangan ng sports. Ang GAB license ay kailangan bilang isang katibayan na ang isang manlalaro ay kasali sa larangan ng sports sa legal na pamamaraan lalo na kung may kalakip na malaking papremyo ang kanilang sinalihan na patimpalak. - TM ba ang sasagot sa mga gastos na kailangan para sa GAB Licensing ID?
Oo. Lahat ng GAB License expenses ay sagot ng TM. Maliban sa mga requirements ng isang minor player or additional requirements kung kinakailangan. - Anu-ano ang requirements ng isang minor player?
- Notarized Parental Consent
- Pediatric Clearance (Ang GAB doctor ay hindi isang pediatrician.)
- Paalala: Players lang na 17 years old ang exempted (hindi na kailangan) mag-secure/submit ng Pediatric Clearance. Photocopy of Birth Certificate
- Photocopy of Parent's Valid ID
- Duly Filled-Up Application Form
- Negative Result of Drug Test
Ang lahat ng ito ay sagot ng minor player/s or team/s.
- Kung kabilang ako sa minor players, kailangan ko na bang dalhin ang requirements bago magsimula ang tournament?
Ang GAB Licensing o ID ay nakalaan lang sa Tournament Champions, kaya mabuting hintayin muna ang resulta ng tournament bago ihanda ang mga requirements na kailangan para sa lisensya. - May mga category ba ang tournament?
Oo, may mga category ang tournament na binubuo ng Adult at Minor Category.- Adult category - Players na 18 years old at pataas.
- Minor category - Players na 14 hanggang 17 years old.
- Pwede bang magkaroon ng minor player sa adult category at vice versa?
Hindi. Binubuo dapat ang mga team na naaayon sa age category nila at hindi pwedeng may sumali na hindi pasok dito. Hindi tatanggapin ang isang team entry kung may nakitang paglabag dito. - Ilang players sa bawat team ang pwedeng sumali?
Ang bawat team ay kailangang makabuo ng six players kasama ang isang Team Captain at isang reserve. - Kailangan bang nakatira sa isang barangay ang lahat ng members ng Team?
Hindi. Ang members ay pwedeng galing sa iba’t-ibang barangay, munisipyo o syudad, hangga’t sakop ito sa nominated Province. Siguruhin lang na lahat sila ay mga TM users. - Kailangan bang magfill-out ng registration form ang bawat team member?
Ang Team Captain lang ang kailangan mag-fill out ng form. Siya ang maglalagay ng mga kailangang detalye ng bawat team member. Pero lahat ng members ay kailangang naka-register sa EZ/Easysurf 50. - Hindi ba pwedeng lumagpas ng 32 teams ang makakasali sa Barangay Elims?
Maaaring lumagpas ng 32 teams ang mga kalahok hangga’t sang-ayon ito sa Game Master. Pero may cut-off time pa rin para hindi masira ang bracketing system ng tournament. - Kailangan ba naming mag-register sa FunLARO website?
Oo, dahil dito gaganapin ang online tournaments (Territory, Semis at Finals). Isa rin itong gaming avenue kung saan pwedeng magkapera at mag-earn ng points ang gamers. - Paano ko malalaman kung confirmed na ang slot ng aming team sa FunLaro Tournament?
May matatanggap ang Team Captain na confirmation SMS galing sa isang TM Representative kasama ng ibang detalye. Maaaring kunin rin ang kanyang Facebook/ Discord profile para sa isang Exclusive Group Chat kung saan ia-announce ang lahat ng mga detalye tungkol sa tournament. - Pwede pa bang mag-register sa araw ng tournament?
Hindi pwede. Isang araw bago ang tournament, maglalabas ng bracketing para sa mga laro ang mga TM representatives. Ang hindi masasama sa bracketing ay hindi na makakalaro kaya’t siguruhin na makapag-register bago ang tournament schedule. - Sagot ba ng TM ang promo o data connection habang naglalaro sa tournament?
Ang bawat team ay in charge sa kani-kanilang data connection gamit ang EZ50 promo na kailangan para sa paglalaro ng tournament. - Kailangan bang mag-register ulit ng Hero Promo kung kaka-register ko lang?
Oo, kailangang mag-register ng TM subscriber sa promo sa mga opisyal na araw ng Barangay Tournament Registration Schedule. - Na-disconnect ako habang naglalaro. Pwede bang i-restart ang game?
Ang bawat team ay bibigyan ng dalawang pauses (barangay at regional tournament) para maka-reconnect ang kanilang kasama sa laro. Sa bawat pause, bibigyan lamang sila ng tatlong minuto. Sa Finals tournament naman, mabibigyan ang bawat team ng tatlong pause at tatlong minuto sa bawat pause. - Ano ang mga premyo na matatanggap sa Preliminary rounds?
- Top 2 remaining teams (Adult & Minor Category) - ₱5,000 at all-expense-paid trip para sa Qualifiers round + allowance
- Losing Teams- ₱500 bilang consolation prize
- Ano naman ang mga premyo na matatanggap sa Qualifier rounds sa MLBB tournament?
- Champion Team (Adult & Minor Category) - Jersey + jacket at all-expense-paid trip patungo sa Finals round.
- Ano naman ang mga premyo na matatanggap sa Qualifier rounds para sa HOK tournament?
- Champion - ₱5,000
- 1st Runner-up - ₱3,000
- 2nd Runner-up - ₱2,000
- Anu-ano ang mga premyo na matatanggap sa Final rounds Mythic Category?
- Champion - All-expense-paid trip sa MLBB M7 World Championships sa Jakarta, Indonesia + ₱50,000.
- 1st Runner-up - ₱30,000
- 2nd Runner-up - ₱20,000
- Ano-ano ang mga premyo na matatanggap sa Final rounds Amateur Category?
- Champion - ₱75,000
- 1st Runner-up - ₱30,000
- 2nd Runner-up - ₱15,000
- Kasama ba sa Finals round ang HOK teams na nanalo sa Qualifer rounds? At ano ang matatanggap nila?
Oo, kasama sila sa Finals round. Ang matatanggap nila ay:
- Champion - ₱50,000
- 1st Runner-up - ₱20,000
- 2nd Runner-up - ₱10,000
- TM na rin ba ang sasagot sa Passport processing ng Champion Team patungong MLBB M7 World Championships?
Hindi, responsibilidad na ng mga kalahok ng champion team na magproseso at kumuha ng passport at parental consent para sa kanilang mga sarili. Ang sasagutin lamang ni TM ay ang plane ticket, accommodation, at passes patungong MLBB M7 World Championships. - May makakasama ba kami sa MLBB M7 World Championships maliban sa aming mga kasama sa team?
Meron. Magpapadala ang TM ng dalawang representative upang mag-guide at tumulong sa inyo sa logistics, coordination, at iba pang kakailanganin na may kaugnayan sa MLBB M7 World Championships. - Yes, nanalo ang team namin! Paano at ano ang mga kailangan sa pag-claim ng premyo?
Iko-contact ng authorized TM representative ang inyong Team Captain via call and text. Hihingi rin kami ng valid ID ng bawat team member, kaya siguruhin na tama at kumpleto ang details na nilagay sa registration form. - Makukuha ba namin ang premyo pagkatapos ng laro?
Makukuha ang premyo pagkatapos makumpleto ang mga dokumentong kailangan para sa susunod na eliminations tulad ng Proof of Residence, GAB License at iba pa.