SIM Terms and Conditions - TM Tambayan

TM SIM

Terms & Conditions

 

Salamat sa pagpili sa TM SIM!

  • Mga nakapaloob sa SIM pack: Wastong paggamit at kaukulang singil ng telco:
    Ang TM SIM pack (“SIM Pack”) ay naglalaman ng mga sumusunod; (a) TM SIM card na may kaukulang mobile number at paunang prepaid load; (b) listahan ng TM promos; (c) Mga Tuntunin at Kundisyon ng TM. Maaaring gamitin ang TM SIM sa isang mobile device na angkop para dito. Ang TM ay magkakaroon ng sariling pagpapasya kung ang isang partikular na mobile device o TM SIM card ay maaaring maka-access ng TM network at gamitin ang serbiso ng TM.

    Ang TM SIM card ay naglalaman ng paunang load. Kapag naubos na ang paunang load, nangangailangan nang bumili ng prepaid load mula sa iba’t ibang mga loading channels upang patuloy na magamit ang TM service. Ang mga kaukulang features at mga tuntunin at kondisyon ng partikular na TM Prepaid Load card, serbisyo o promo ang siyang masusunod sa paggamit ng prepaid load.

    Ang lahat ng mga ginawang tawag, mga ipinadalang text messages, ginamit na mobile data o inirehistrong TM promos gamit ang SIM card (kabilang ang, ngunit hindi limitado sa mga tawag o mensahe sa mga maling numero, mga fax tones, o sa answering machines; paggamit ng mobile apps; paggamit ng mobile device bilang Wi-Fi hotspot, pagtawag gamit ang video calls o pagpaparehistro sa mga content promos) ay sasailalim sa kaukulang prepaid rates ng TM.  Dagdag pa rito, ang lahat ng mga aktibidad ng SIM card na nabanggit sa talatang ito ay itinuturing na ginawa, ipinadala, ginamit, ipina-rehistro o pinahintulutan mo. Ang TM ay hindi magbibigay sa sinumang naghahabol para sa rebate, pagbabalik o pag-refund ng prepaid load dahil sa hindi awtorisadong paggamit ng TM SIM card. Iyong kinikilala at sinasang-ayunan na ang detalyadong billing ng iyong mga tawag, ipinadalang text messages o nagamit na mobile data sa pamamagitan ng iyong TM SIM card ay hindi maibibigay at hindi ibibigay ni TM.

    Ang TM may karapatang baguhin ang presyo ng prepaid rates nang walang paunang abiso, simula sa araw ng pagsang-ayon ng NTC sa nasabing (mga) pagbabago. Ang mga TM promos ay may hiwalay na presyo at may kaukulang validity periods at mga tuntunin at kondisyon sa paggamit.

  • Mga Di-awtorisadong Aktibidad; Mga kahihinatnan
    Hindi mo dapat gamitin ang TM prepaid service, ang iyong mobile device(s), TM SIM card o prepaid load sa anumang labag sa batas, mapanlinlang, ipinagbabawal o mapang-abusong layunin. Ang TM ay may karapatang i-suspinde o wakasan ang serbisyo sa sinumang subscriber na magpapakita ng mapang-abusong paggamit ayon sa sariling pagpapasya ng TM.  Ang TM ay may karapatang alisin o suspindihin ang prepaid service at/o tumangging ikabit muli ang nasuspinding TM SIM card kung ikaw o sino man, sa sariling pagpapasya ng TM, ay napatunayang ginagamit ang prepaid service sa anumang mapang-abuso, mapanlinlang na layunin o ilegal na mga gawain. Ang TM ay may karapatang maghain ng naaangkop na legal na aksyon laban sa iyo at upang singilin ang kaukulang bayad para sa pre-termination, kung mayroon man. Ikaw ay dapat managot sa TM para sa anuman at lahat ng mga pinsala na dulot ng iyong komisyon o pagpapaubaya o pag-ayon sa komisyon ng alinman sa mga di-awtorisado at ilegal na aktibidad.  Ang mga detalye ng di-awtorisado at ilegal na aktibidad, ang iyong mga pananagutan at kaparusahan, pati na rin ang mga remedyo ng TM ay maaaring makita sa website ng TM (www.tmtambayan.ph/).

  • Mga implikasyon ng hindi paggamit ng SIM / load; pag-expire; SIM shelf-life expiry (bilang ng buwan gaya ng nakalagay sa SIM pack); Load expiry

    Ang iyong TM SIM card ay mawawalan ng bisa at hindi na magagamit: 1) ayon sa petsa na nakalagay sa sobre ng TM SIM Pack kung walang aktibidad ang SIM card mula nang ito ay nabili; 2) kung walang load balance sa loob ng isang taon mula sa petsa ng huling pag-load. Ang mga expired na prepaid SIM card ay permanenteng tatanggalin sa network ng TM at ang kaukulang mobile number ay maaaring ma-reassign sa ibang subscriber. Kung permanente na ang pagkakatanggal, ang iyong SIM card ay hindi na maaaring i-reactivate at ang iyong mobile number na na-reassign ay hindi na maaaring makuha muli. Kailangan mong bumili ng bagong TM SIM upang muling maka-access sa TM service.  Ang prepaid load na nakuha sa anumang paraan ay hindi na maibabalik o maipapalit sa pera.

    Responsibilidad mo na i-secure, pag-ingatan at itago ang iyong mobile device(s), SIM card at load, pati na rin ang pag-monitor at paggamit ng TM load sa iyong account at protektahan ang mga bagay na ito mula sa pagkawala, pagnanakaw, pinsala o di-awtorisadong paggamit. Ang TM SIM card ay mayroong unique personal identification number (PIN) at personal unlocking key (PUK) na naka-print sa SIM bed na dapat mong ingatan at itago sa lahat ng oras. Ang mga PIN codes ay security numbers na kailangan sa SIM card upang malaman at magamit ang iba pang mobile device services at features; ang mga PUK codes ay mga security numbers na ginagamit upang i-unlock ang SIM na na-block dahil sa maling pag-input ng PIN codes.  Ang TM ay hindi nagtatago ng mga kopya ng PIN at PUK codes ng mga SIM cards kaya’t hindi maaaring mag-isyu o makabuo ng mga backup o kapalit na PIN at PUK codes.


  • Responsibilidad ng TM tungkol sa data privacy
    Ikaw ay sumasang-ayon at pumapayag sa pagkolekta, pagsisiwalat at pagproseso o paggamit, ng TM o ng ibang tao sa ngalan ng TM, ng iyong personal na data, kasama ang iyong personal na impormasyon, paggamit ng TM service o billing data na iyong kusang-loob na ibinigay o nakuha sa iyong pagagmit sa TM service, para sa pananaliksik, pagbebenta at iba pang mga layunin tulad ng pagpapabuti ng mga produkto at serbisyo.  Ikaw ay sumasang-ayon at pumapayag na ang TM at mga subsidiaries at affiliates nito tulad ng pero hindi limitado sa Innove Communications, Inc., Adspark, Inc., G-Xchange, Inc.[GCash], Fuse Lending at Globe Fintech Innovations, Inc. [Mynt] (Globe Group), bukod sa iba pa, ay maaaring gamitin ang iyong subscriber personal information at data sa ilalim ng mga aktibidad at kalagayan na nabanggit sa aming website.

    Ikaw at ang iyong paggamit ng TM Service, TM SIM card, TM Prepaid Load, pati na rin ang anumang special promos na nakuha at napakinabangan mo, kasama na ang kanilang mga updates, ay nasasaklawan ng TM (kabilang ang Globe at ang mga subsidiaries at affiliates nito): Prepaid Service Terms and Condition, "Fair Use Policy for Mobile and Data Service" at Data Privacy Policy ("Terms and Conditions") na matatagpuan sa www.globe.com.ph at sa www.tmtambayan.ph/. Responsibilidad mong basahin ang mga nabanggit na Mga Tuntunin at Kundisyon.

    Karapatan ng TM na baguhin ang mga Tuntunin at Kundisyon sa anumang oras, mayroon o wala mang paunang abiso. Responsibilidad mong tingnan palagi ang anumang pagbabago sa Tuntunin at Kundisyon  na makikita sa nabanggit na website ng Globe at ng TM. Ang iyong patuloy na paggamit ng TM service o ng TM SIM card pagkatapos ng anumang nasabing pagbabago ay nangangahulugan ng iyong pagtanggap sa updated o binagong Mga Tuntunin at Kundisyon, kung mayroon man.