Utang Load/Promo - TM Tambayan

 

UTANG load/promo

 

‘Pag may emergency, sagot ka namin, Ka-TeaM!

 

Stuck sa traffic? Walang mapa-loadan? Chill lang at kami na ang bahala sa’yo! Dahil sa TM, pwede nang manghiram ng load or promo anytime at bayaran later!

  • Para humiram, buksan ang GlobeOne app, pumunta sa BUY section, i-tap ang BUY TM promos at i-search ang “LOAN”. Pumili ng utang offer na kailangan mo at mag-register.
  • Kung nagkaroon na ng sapat na budget, pwede na bayaran ang hiniram. Bumili lang ng load sa paborito mong top-up channel at hintayin ang successful collection message para malaman na nabayaran na ito.
  • Siguraduhin na bayad na ang unang hiniram na load o promo para pwede ka makahiram ulit sa susunod na kailangan mo ito.

 

  • Ano ang benefits ng TM Utang service?
    Sa TM Utang service, patuloy ka pa ring makaka-call, text, o internet kahit walang load! Pwede kang mamili sa emergency offers na ito:
    KEYWORD DESCRIPTION PRICE VALIDITY
    COMBOSOS 2 mins of calls at 5 texts sa TM/Globe ₱6 1 day
    CALLSOS 3 mins of all network calls ₱6 1 day
    TXTSOS 10 all network texts ₱6 1 day
    MBSOS 40 MB data ₱6 1 day
    IDDSOS 1 min of IDD call to select countries in the Middle East, Europe, North America, and Asia Pacific ₱6 1 day

  • Sinong pwedeng gumamit ng TM Utang service?
    Lahat ng TM customers ay pwedeng humiram ng emergency loan offers. Mayroon ding exclusive loan offers na available depende sa iyong eligibility.

  • Saan at paano mag-register sa mga emergency offer na ito?
    • Via GlobeOne app
      Buksan ang GlobeOne app at hanapin ang “Buy” icon sa ibaba ng screen. Siguraduhing nasa “Buy TM promos" ka at i-search ang “Loan” para lumabas ang mga Utang offers na pwede mong piliin.
    • Via Text
      I-send lang ang keyword sa 3733. May makukuha kang confirmation message na pwede nang gamitin ang hiniram na offer.
    • Via *143# 
      Pwede ring mag-register sa *143#! Piliin lang ang Utang, hanapin ang gustong offer, at piliin ang “Subscribe.”
    • Facebook
      Habang gumagamit ng Free Facebook, i-click lang ang “Buy Data” para makita ang mga offers na pwede sa’yo.

  • Pwede ba akong mag-register sa Utang gamit ang GlobeOne app?
    Yes! Makikita ang lahat ng mga utang offers na available sa’yo sa GlobeOne app kaya siguraduhin na gamitin ang GlobeOne app para makita ang updated offer ng Utang service at iba pang exclusive offers para sa mga Ka-TeaM!

  • Pwede ba akong humiram kahit anong oras?
    Oo! Ang TM Utang service ay available 24/7.

  • Ayos ‘to ah! May iba bang pwedeng i-utang? May load din ba?
    Depende sa iyong eligibility, pwede ring humiram ng load up to ₱90 at promos katulad ng EasySURF!

  • Paano kung lumabas ako ng Pilipinas? Pwede ko rin bang gamitin ang service na ito abroad?
    Ang service na ito ay hindi pwedeng gamitin sa labas ng Pilipinas.

  • May nakuha na akong confirmation message sa hiniram kong COMBOSOS/CALLSOS/ TXTSOS/MBSOS/IDDSOS! Paano ko iche-check ang promo balance at expiry nito?
    Maaaring makita ang promo balance at expiry sa iyong dashboard sa GlobeOne app. Pwede ring i-send ang keyword na ito sa 3733 na libre:
    PROMO KEYWORD
    COMBOSOS COMBOSOSBAL
    CALLSOS CALLSOSBAL
    TXTSOS TXTSOSBAL
    MBSOS MBSOSBAL
    IDDSOS IDDSOSBAL

    Para sa ibang Utang load at promo offers, pwede ring i-dial ang *143#, piliin ang Utang > Status > Utang Promo Status.


  • Paano ko mababayaran ang hiniram kong load o promo?
    FULL PAYMENT (buong kabayaran)
    Kung gustong bayaran ang Utang in full, bumili lang ng load na sakto o mas malaki sa hiniram na load o promo + service fee. Automatic na itong kokolektahin at may matatanggap kang text galing 3733 para sa iyong transaction.

    MANUAL PAYMENT
    Kung may sapat na load ka ngayon sa wallet, pwede mo ring i-text ang PAY UTANG sa 3733.

    PARTIAL PAYMENT (Installment o hulugan o paunang bayad)
    Simula February 21, 2024, ang mga customer na may utang na hindi pa nababayaran after 1 day or more ay unti-unting kokolektahan sa kanilang load top-up kahit mas maliit ito sa utang at service fee.

    Kung mas mababa ang ni-load sa buong utang (utang + service fee), kokolektahin ang ni-load at magtitira ng ₱1 (isang piso) hanggang mabayaran nang buo ang utang.

  • Gaano kadalas ang pagkolekta ng payment sa utang kung hulugan or installment? Hindi ko ba magagamit ang aking SIM hanggang di nababayaran ang utang?
    Wag mag-alala, Ka-TM! Isang beses lang kada 24 hours ang pagkolekta sa load top-up para bayaran ang utang. Ang sumunod na top-up (sa loob ng 24 hours) ay hindi kokolektahan.

    Magagamit mo pa rin ang SIM kahit na may existing loan balance ka pa, pero hindi ka makaka-utang muli hanggang mabayaran nang buo ang kasalukuyang utang.

  • Paano ko malalaman kung kailan magsisimula ang unti-unting pagkolekta sa aking top-up?
    Kapag may naka-record na unpaid loan or may utang na hindi pa nababayaran, may mare-receive kang text message mula sa 3733. Dito nakalagay ang petsa kung kailan magsisimula ang pagkolekta ng utang kahit ang top-up ay mas mababa kaysa sa total na inutang na amount (utang plus service fee). Paalala na ito ay mangyayari lamang kung hindi pa nabayaran ang utang bago ang nakalagay na petsa.

  • May dagdag bang interest kung hindi ko mabayaran ang hiniram kong promo o load agad?
    Huwag mag-alala dahil walang dagdag na interest kung hindi kaagad mabayaran ang promo o load na hiniram. Ang service fee ng TM Utang offers ay fixed.

  • Pwede ba akong humiram ulit kapag nakapagbayad na ako ng outstanding na utang?
    Oo, pwede ka na ulit humiram ng available promos/load kapag nabayaran na ng buo ang iyong utang.

  • Pwede ba akong mag-unsubscribe sa Utang service?
    I-type lang ang tamang keyword ng hiniram na promo at i-send sa 3733.
    STOP <space> PROMO KEYWORD.
    Halimbawa: STOP UTANG EASYSURF30 o STOP COMBOSOS

IBA PANG PAWER PROMOS



ALL-NET SURF 20
ALL-NET SURF 20



EASYSURF


DIGITAL EXCLUSIVES
DIGITAL EXCLUSIVES


G NA SA TM TAMBAYAN ONLINE PARA TULUY-TULOY ANG TEAMWORK NG BARKADA

Facebook

TikTok

Twitter

Instagram